46

5 2 0
                                    

LUKLOK


Sa mga bagong naluklok
Manatili nawa ang ulo na nakadukdok.
Huwag sikaping pangako'y matupok
Gawin, upang hindi maging alikabok.

Kung sakaling naisipang lumiko
Huwag padadaig sa kutya ng paninibugho
Unahin ang nararapat,
Unahing maglingkod na higit pa sa sapat.

Sukdulan na ang iyong taas na narating
Madla'y ipinagkaloob sa iyo ang bunyi
Huwag sanang dumating sa wala,
Ang tinig na sa iyo ipinagkatiwala

Lilipad ka't titingalain,
Kung pagbabago'y hindi papatigilin.
Subalit, tutubuan ka ng pangil,
Kung winaldas mo ang tiwala namin.

miss_reminisce

Isang Daang PiyesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon