72

8 2 0
                                    


EVA

Pinaniniwalaang,
Sa isang hiwa ng kawayan nagmula.
Namuhay sa paraisong kakaiba.
Ngunit napatalsik sa magandang kawa.
Mula nang hindi sundin ang utos ng bathala.

Ngayon ay namumuhay sa pawid
Kasama ang mga supling na hatid
Ang kamay ay may sampung kapangyarihan
Ganito kung si Eva ay magbayanihan.

Hagulgol ay maririnig kung lilisan sa tabi.
Ang yapos ni Eva ang laging kailangan tuwing gabi.
Mawala ay wari'y isang bangungot
Mahimalay ay lubusang nakatatakot.

Sa dami ng pagdadaanan,
Pinipili pa ring pumili sa tamang daan.
Sa dami ng paghihirap
Pinipiling ipagliban na ang ginhawa't sarap.

Maraming kamay ang humahawak at pumipigil.
Upang tagumpay ay marating
Maraming pagkabigo at pagluha
Subalit pinipilit maging masigla

Si Eva na nagkakamali man sa una
Subalit pagmamahal ay nararapat na maramdaman niya.
Batid na hindi perpekto at huwaran.
Ngunit mananatiling Babae para sa sangkatauhan.


miss_reminisce

Isang Daang PiyesaOnde as histórias ganham vida. Descobre agora