68

8 2 0
                                    


SULYAP

Sa kay tagal kong pagmumuni sa kawalan.
Ang pagbibilang ng bituin sa kalawakan.
At ang hindi mabilang na alon sa dalampasigan.
Ikaw ay aking muling nasilayan.

Ilang taon o buwan ba tayong hindi nagkita?
Maraming tula na akong naisulat na ikaw ang paksa.
Gabi-gabi ay pinapanalangin kita
Araw-araw ay hinihintay kita.

Ngunit ngayong umaga,
Tinupad ng mga bituin ang hinihiling ko na ikaw ay masilayan na.
Wala kang pinagbago,
Ikaw pa rin ang sinisigaw ng puso ko.

Batid kong hindi mo na ako makikilala.
Batid kong kahit alaala natin ay limot mo na
Subalit ako ay umaasa.
Na hanggang ngayon ay nararamdaman mo pa rin ako, sana.

Maligaya akong muli kitang makita
Masaya akong inaalala ang nakalipas na
Umaapaw at hindi maipaliwanag ang aking nararamdaman.
Ang dating kiliti na nagbalik na tanging sa'yo ko lamang naramdaman.

miss_reminisce

Isang Daang PiyesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon