63

7 2 0
                                    


ANG ELECTRIC FAN

Mapa lapag man o itaas
Ikaw ay walang kupas
Ilang beses mang ibukas
Ikaw ay hindi umaalpas

Mabuti yaong naitutulong mo
Nagbibigay ng lamig sa mainit na ulo
Mapalad na mayroon ka
Nagsisilbi kang yapos sa tuwina.

Ilang beses ka mang paikutin
Wala kang angal sa'min
Ilang beses ka mang linisin
Hindi ka nag-atubaling sirain.

Subalit, tulad ng tao
Ikaw rin ay magbabago
Darating ang bukas makalawa
Unti-unting mawawala ang isang tulad mo

Manghihina ka't unti-unting babagal
Pupungas ka't unti-unting maghihiwalay
At kapag ikaw ay wala nang kapantay
Unti-unti kang magiging sagabal.

Hanggang tupukin ka ng alikabok
Paikutin ka'y hindi na rin sinusubok
Hanggang sa ikaw ay mawala
At matatagpuan kang sa bodega ay nakahilata.

miss_reminisce

Isang Daang PiyesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon