11

58 3 0
                                    

Bituin sa Kalawakan


Sa dalisay ng umaga ako'y nakatingin
Sa kariktan ng araw ako'y napabaling
Hinihintay ko ang pamamaalam ng umaga.
Sapagkat nais kong masilayan ang bituing sa aki'y nakatadhana.

Isa kang tala na nagniningning sa kalawakan.
Ang kislap mo'y namamayani saan man.
Suliranin na aking nararanasan.
Ay aalpas makita ko lamang ang aking ningning na hinahangaan.

Ikaw ay isang bituin sa gabi
Ang iyong handog na liwanag ay nasa aking tabi.
Madalas ay humihiling ako saiyo.
Sapagkat batid kong ang hiling ko ay tutugunin mo.

Simula noon magpasahanggang ngayon.
Sinusulyapan kita kahit saan ako pumaroon.
Hangga't maaari ay nais kong huwag nang matapos ang gabi ng kadiliman
Sapagkat ang pahimakas ng gabi ay aking kinatatakutan.

Hanggad ko na balang araw ay makatagpo ako ng para sa'kin.
Ang taong mailalarawan ko sa isang bituin.
Tanggap ko na mahirap silang sungkitin.
Subalit ang kanilang pagmamahal at ningning ay hindi ko kayang sukatin.


miss_reminisce

Isang Daang PiyesaWhere stories live. Discover now