05

86 3 1
                                    

Ikaw

"Lumubog man ang araw at dumilim ang buong kapaligiran
Ikaw pa rin ang nag-iisa kong tanglaw sa madilim na kalangitan."

Ang liwanag mong hatid
Ay sumasamo sa napakaganda mong tinig.
Puso ko'y umaawit sa saliw ng musika na may wastong himig.
Ang kislap sa iyong mata ay mala butuin na nagniningning sa buong daigdig.

Liwanag mo'y hindi napapawi
Tulad ng mga ngiti mong matamis at walang bakas nang pagdadalamhati.
Puso ko ay hindi mawari
Sa kung bakit pangalan mo ang naghahari.

Sa tuwing pinagmamasdan ko ang mga bituin.
Wala akong ibang nasisilayan kundi ang angkin mong ningning.
Nais kong sabihin na patuloy mo lamang isagisag ang liwanag mong dala.
Sapagkat ang liwanag na naghahari sa iyong puso ay kakaiba.



miss_reminisce

Isang Daang PiyesaWhere stories live. Discover now