62

6 2 0
                                    


IKAW

Para sa'kin, ikaw ay kakaiba
Ang pagmamahal mo'y higit pa sa iba
Nananahan ang lahat sa iyo
Ginagawa mong makulay ang aming mundo
Ikaw, ang pumupuno sa aming kaligayahan
Noon pa man ay hindi mo kami pinagtabuyan
Oras-oras ay nariyan ka
Oras-oras ay nagmamahal ka
Nagiging maayos ang aming pakiramdam sa tuwing kami'y iyong dadamayan.

Maraming lumiko sa maling landas
At nariyan ka't nagmamahal pa rin ng wagas
Habang kami ay dumudulog sa iyo, kami'y pinapakinggan mo.
Ang lahat ay kaya mong ibigay
Lahat ay ibibigay mo ng walang kapantay

Para sa'kin, ikaw ang nag-iisa kong hari
Oras-oras ay nais ko sa iyong mamalagi

Kailangan ko ng yakap at pagmamahal mo sa tanan ng aking buhay.
Ikaw ang nagiging dahilan ng pagpapatuloy ko sa buhay.
Tinatanggap ko ang isang tulad mo
At sa puso ko ay mayroon kang lugar dito.


miss_reminisce

Isang Daang PiyesaWhere stories live. Discover now