19

17 3 1
                                    

Tama na ang Minsan

Tama na ang minsang ako'y naging tuliro
Tama na ang minsang ako'y nagpalunod sa maling tao.
Tama na ang minsan nagparaya ako
At tama na ang minsang naging sunud-sunuran ako sa mga nais mo.

Dahil simula nang magpakalunod ako saiyo
Hindi ko na nakikilala kung sino ako.
Sinimulan kong turuan ang aking puso ng tama.
Malayo sa mga pangakong hindi mo nagawa.

Ang puso ko'y napapatanong na lamang
Sa kung bakit ako saiyo ay nananahan.
Naging bulag-bulagan ako sa aking nakikita at nararamdaman.
Bagkus ang tangi ko lamang nakikita ay ang iyong dalisay na kalooban.

Subalit ngayong araw na nagdaan.
Puso ko'y hinding-hindi ko na muling bubuksan.
Tama na ang minsang ako'y naiwang luhaan.
Tama na ang minsang naging sunudsunuran ako sa maling paraan.



miss_reminisce

Isang Daang PiyesaWhere stories live. Discover now