70

8 2 0
                                    


ANG TINGIN

Kung ang tingin ay may pahiwatig
Maaari bang huwag na akong magising?
Kung ang tingin mo'y may ibig sabihin
Maaari ko ba itong alamin?

Sa dulo ng aking mga mata
Ay napapansin ko ang titig mong kakaiba
Ngunit sa tuwing tayo'y magtatama
Iniiwas mo ang direksyon ng iyong mga mata.

Ano ba ang nakita mo?
May kung ano bang kumatok sa dibdib mo?
Bakit patuloy ang kakaibang tingin?
Bakit hanggang sa huli'y ako'y pinagmamasdan mo pa rin.

Batid mo bang makasalanan ang iyong ginawa.
Dahil puso ko'y nais nang kumawala
Madali akong mahulog
Kaya't pakiusap tigilan mo ang tingin mong mala bubog.

Subalit sa huli'y ang titig ay mananatiling tingin lamang.
Bagkus ang tingin ay hindi makonontrol kung kanino man.
Kung may lihim na mensahe man sa pagitan ng mga ito.
Nawa'y malaman ko ito masabi kong "Oo"


miss_reminisce

Isang Daang PiyesaWhere stories live. Discover now