32

10 1 0
                                    

SARANGGOLA

Subukan at muli mong paliparin
Ang saranggola sa hangin.
Hawakan mo't kontrolin
Nang pagkadismaya'y hindi mo sapitin.

Kung ang hangin ay hindi makita
Hintayin mo at ika'y magtiwala
Kung ang saranggola'y hindi lumipad
Subukin mong abutin ang hangad.

Saranggola ma'y magmintis
Sa hagubilis ng hanging mabilis
Pagtiyagaan mo itong ipirmis
At huwag mo sanang iwanan nang kaybilis.

Tibayan mo bata,
Ang iyong saranggola.
Labanann mo nawa,
Ang hanging dambuhala.

miss_reminisce

Isang Daang PiyesaWhere stories live. Discover now