55

4 2 0
                                    


TITINGILAIN NGUNIT 'DI AANGKININ

Sa kapusyawan ng langit
Batid kung ikaw ang aking iniibig
Lumisan man ang kariktan nito
Hindi malulusaw ang pagtingin ko.
Kung susungkutin ko ang bituin
Ako kaya ay iyong mamahalin?
Kung nanakawin ko ang buwan
Ang puso ko kaya ay pagbibigyan

Hindi batid kung ba't ikaw ay hangarin.
Hindi na rin mapigil ang bugso ng damdamin.
Kapag nasisilayan ka ay lubusan ang pintig ng puso
Kapag kausap ka'y hindi alam kung paano hihinto.

Sa isang libong tanong na nasa isipan ko
May tanging tanong na takot kong malaman ang kasagutan nito.
Paano ko nga ba palalayain ang puso ko?
Kung noon pa man ay ikaw na ang laman nito.
Alam kong maaari kitang, pangarapin, hilingin at tingalain
Subalit kapuwa alam natin
Na hindi kita maaaring angkinin at mahalin.

Mararapatin ko na lamang humiling sa mga bituin
Sana'y sa maraming beses na pagkakataon ibigay niya ang aking hiling.
Alam kong malabo, subalit susubukin
Alam kong mahirap subalit pipilitin.
Handa na siguro akong tumaya nang tumaya
Alang-alang sa kariktan ng puso ko at nang lahat sa pagsapit ng umaga.
Hinding-hindi ako maghahanap ng anumang kapalit.
Sapat na para sa'kin ang ibigin ka at ipaglaban nang higit.

miss_reminisce

Isang Daang PiyesaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora