17

28 3 1
                                    

Babae ng Mundo


Sa lugar, na kung saan maraming matang mapangkutya.
Bawat paghakbang ay pinagmamasdan kanila.
Na pawang makina ang kanilang mga mata.
Na kung diktahan ka at ang aming pagkatao ay kakaiba.

Narito, narito ako nakatayo sa madla,
Ang babaeng isinilang sa mundong mapanghusga.
Pagkatao'y nagugulimihan dahil sa takbo ng utak ng iba.
Pagkatao ay nilalamon ng pangamba dahil sa salitang binabatbat nila.

Sino ba sila?
Sino ba sila upang kami'y husgahan
Sa kung anong mayroon sa'ming kasarian.
Mahina, mahinhin at madaling masaktan
Ganito kami kung pagmasdan ng karamihan.

Hindi kami ang babaeng sunud-sunuran sa mga nais mo.
Hindi kami ang babaeng sabon sa maruming pantasya mo.
Hindi kami isang de-bateryang laruan.
Na nais mong ulit-uliting paglarun at pakinggan.

Dahil simula nang mabuhay kami sa mundo.
Walang ibang nagmamay-ari sa akin kundi ang sarili ko.
Hayaan mong kami ang magbihis ng aming sarili.
Hayaan mong tumayo kami sa sarili naming mga paa.

Hayaan mong kami ang magsabit ng korona sa aming itaas.
Hayaan mong mahalin namin ang aming sarili ng kay wagas.
Binibini man kami kung ituring ng karamihan.
Subalit iba kami sa kung paano kami pagmasdan ng sanlibutan.

Kaya namin ang aming sarili.
Dahil babae kami ng mundo.
At hindi babae mo.


miss_reminisce

Isang Daang PiyesaHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin