13

47 3 0
                                    


Bangon

Ilang beses ka nang nadapa
Ilang beses ka na ring nagparaya
Batid kong nasasaktan at nahihirapan ka
Subalit kailangan mong bumangon dahil may pangarap ka hindi ba?

Pagtangis ay hindi kinakahiya
Kung may kirot sa puso mo ay hayaan mo itong kinaiya.
Puso'y gumagaan sa tuwing luha'y umaalpas
Kaya't ilabas mo lamang ang sakit na kay wagas.

Sa kabila ng iyong pagtangis ay may nakaabang na liwanag.
Palagi mong isipin na ikaw ay kahangad-hangad.
Malayo na ang iyong narating,
At walang rason upang ikaw ay tumigil sa iyong hangarin .

Kung sakaling ang mundo mo'y nabalot muli ng dilim.
Itaas mo lamang ang iyong ulo at ikaw ay manalangin.
Maniwala ka saiyong kakayahan.
Magtiwala ka, na ikaw at ang puso mo ay nanahan.


miss_reminisce

Isang Daang PiyesaUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum