12

49 3 1
                                    


Papel ng Pangarap

Sa banayad na pagdampi ng tinta sa aking  pluma.
Libo-libo ang pangarap na aking nais makuha.
Batid kong kay rami ng aking nais na makatamtan.
Subalit "libre ang mangarap" wika ng karamihan.

"May pangarap ako,"
Ito ang katagang madalas kong sabihin.
Ano mang balakid ay handa akong harapin,
Ano mang hadlang ay handa kong tapusin.

Isa ako sa bilyong taong may pangarap
Pangarap na daan upang kaginhawa'y malasap.
Maraming rason para ako ay tumigil na masilayan ang aking hinaharap
Subalit dala ko ang sarili kong liwanag katulad nang isang alitaptap.

Ako ang manunulat ng sarili kong istorya.
Ako ang manunulat ng aking tadhana
Lahat ng aking pangarap ay isusulat ko sa kapirasong pluma.
Iingatan ko hanggang pangarap ay hindi pa makuha.

Ang pangarap ko ay patuloy kong nanaisin
Pangarap ko'y patuloy kong aabutin
Kahit sino'y walang makabubuwag ng pangarap na nakalathala sa'kin.
Ang pangarap ko na patuloy kong papangarapin.


miss_reminisce

Isang Daang PiyesaWhere stories live. Discover now