51

3 2 0
                                    


KUNG SAKALING PAGOD KA NA

hayaan mong ang talukap ay kusang sumara
ipahinga mo ang katawan mong lupa
paghandaan mo ang umaga
paghandaan mo ang iyong tadhana.

hindi kasalanan ang mapagod
kahit ang kapitagan ay nais din ng hagod
kung ibig ng katawan mo ng pahinga
humilata ka't buong tapang mong itingala.

aalpas din ang pagod na bumabagabag sa iyo
maiinda mo rin ang sakit ng katawan mo
kung sakaling pagod ay patuloy kang ginagambala
huwag kang mag-alala, hindi ka naman nag-iisa.

miss_reminisce

Isang Daang PiyesaOù les histoires vivent. Découvrez maintenant