27

12 3 0
                                    


Sapantaha

Lumuha ka't buong tapang na ilabas mo
Ang mga kirot na dumadapo sa iyong pagkatao
Huwag mong pigilan ang paglabas ng likido
Ilabas mo at hayaan mong dumanak ito

Nararamdaman mo'y akin ding nararamdaman
Tulad mo'y minsan na rin akong lumuha ng lubusan.
Pagtangis sadyang hindi mapipigilan
Kusang lumalabas ng buong piglas sa gitna ng kapighatian

Buong tapang mong iwaksi ang likidong dumadanak
Punasan mo ito ng puso mong unti-unti na ring nawawasak
Sa unang pagkakataon lang tunay na masakit
Kaya't sa mga susunod na pagkakataon ay sana'y huwag na itong maulit.

Lagi mong itanim sa iyong isipan
Na walang ibang magpapatahan saiyo kundi ikaw lamang
Pawiin mo ang luha mo't muling magsimula
Magbabago ang lahat basta't ikaw ay magtiwala

miss_reminisce

Isang Daang PiyesaWhere stories live. Discover now