Prologue

7.7K 123 8
                                    

"Genius! Topnotcher! Rising business tycoon, and the only heir of J Prime Motors Incorporated, entered the toplist billionaires of 2023!"

Madiin na basa ni Fina sa nadampot na magazine, sa stall na nakalagay sa gilid niya. Nakatuon ang atensyon niya sa hawak at binuklat niya iyon. Dahilan para maharap sa akin ang front page at tumambad ang lalaking nakasuot ng three-piece suite sa half-body-shot na cover.

Nabasa ko pa ang pangalan niya. Umikot na ang mata ko.

"Potential Girlfriend? Plans about marriage? None!" singhap ni Fina. Napatingin ako sa kanya. Tuwang-tuwa, akala mo naman may pag-asa siya kahit walang girlfriend ang lalaking binabasa niya.

Pero, wala? Imposible.

Itinaas ko ang tingin sa madilim na langit, wala ni isang bituin doon, uulan pa yata. Biglang humangin ng malakas dahilan para mapapikit ako.

Hindi ko alam kung ano'ng meron sa gabing ito, pero tahimik ang paligid. Hindi karaniwan sa New York, tumingin ako sa relo sa aking palapulsuhan. 10:00 PM palang pero halos wala ng tao sa labas?

May bagyo ba?

Nalipat ang tingin ko sa nylon kong jacket, may pumatak na ulan doon. Ngumiwi ako, napakaganda naman ng gabing ito!

"Wyatt Taddues claimed that he is single!" patuloy na basa ni Fina, sinamaan ko na siya ng tingin pero hindi niya iyon napasin.

Ang pangit na nga ng gabi ko, paulit-ulit niya pang binabanggit ang lalaking 'yan! Lalong nasisira ang mood ko!

"Nagpapaniwala ka d'yan sa binabasa mo?" iritado kong sabi. Ngayon lang siya lumingon sa'kin at bahagyang ibinaba ang magazine.

"Oo naman, Inah! Updated ako sa buhay ni niya, member ako ng fans club niya sa Pilipinas!" ngumiwi ako sa sinabi niya.

Fans club? Ano siya artista?

Tsaka paano naman sila nakasisigurado na single nga 'yan? Ako na ang nagsasabi, imposible.

Humampas muli ang malakas na hangin, tiim bagang akong napapikit dahil pati ang ambon ay humampas na sa mukha ko.

"Ay! Ano ba 'yan! Uulan na!" reklamo ni Fina.

May sasabihin pa sana ako nang biglang may umilaw sa harap ko, nandito na sila. Mabuti naman. Kung bakit sa lahat ng araw na mapipili ng sasakyan kong masira, ngayon pa. Kung kailan may lakad ako, importanteng lakad!

"Ibalik mo na 'yang magazine na 'yan! Andito na ang magto-tow ng sasakyan!" nilakasan ko na ang boses ko dahil nagsimula nang lumakas ang ulan, at maingay ang pagpatak nito sa kalsada.

"Oo, ito na. Sandali," ibinalik niya na iyon sa stall at sumunod na sa akin, sinalubong kami ng dalawang unipormadong lalaki.

"Good evening, Ma'am. You can ride your car. We will pull it unto the nearest auto-shop." paliwanag nito.

Tumango ako sa kanya. "Yes, thank you."

Sumakay na kami ni Fina, may inilagay lang sila sa harap ng sasakyan at ikinabit rin sa sasakyan nila. Kung bakit pa kasi nag-diskarga pa ang sasakyan ko, dalawang taon palang naman ito. Dahil kaya sa lamig? O, may sira na talaga?

Malakas na ang ulan, buti at malamig dito dahil kung hindi ay na-suffocate na kami ni Fina. Hindi ko mapaandar ang sasakyan kaya hindi rin mabuksan ang bintana.

Panay ang punas ko sa windshield dahil nagmo-moist ito, kailangan ko pa rin makita ang daan. Makalipas ang ilang minuto ay bumagal na ang sasakyan na humihila sa amin, sumilip ako sa labas.

Ngunit nanlaki ang mata ko nang mabasa ang pangalan building kung saan kami papasok.

J Prime Motors?

Trophy of the Sunsets (Tonjuarez Series II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon