TOTS 16

2.3K 62 1
                                    

Chapter 16

Binuklat ko ang mga textbooks ko na nakapatong sa center table. Pasimple kong tinignan si Wyatt na pinapanood akong hanapin ang aaralin namin.

Seryoso nga siyang sumama rito sa bahay at turuan ako sa irereport ko. Wala sila Mommy nang dumating kami, kaya si Ate Lyra lang ang naabutan namin. Ang sabi niya, dito na lang kami sa second floor mag aral, para hindi kami maabala.

Tumikhim ako at umupo na ng maayos nang mahanap ko na ang topic. Nakuha naman na ni Wyatt ang ibig kong sabihin, kinuha niya ang libro para basahin iyon.

"Gusto niyo ba ng meryenda?" lumapit si Ate Lyra sa amin.

"Busog pa kami Ate, kakakain lang namin bago umuwi." sagot ko.

Tumango naman si Wyatt bilang pagsang ayon.

"Sige pala, hindi ko na rin kayo aabalahin para makapag aral kayo." paalam ni Ate at tumungo na sa hagdan para bumaba.

Ngumuso ako habang naka tingin kay Wyatt, na seryoso sa pagbabasa. "Wala ka na bang ibang gagawin?" tanong ko sa kanya.

"Saan?"

"Kahit ano, sa school works?"

Umiling lang siya, at nagpatuloy sa pagbabasa. Mamaya kasi, may gagawin pa pala siya. Tapos ay inaabala ko siya rito, sabagay hindi naman ako humingi ng tulog sa kanya at siya naman ang nagkusa.

Bigla lang ata nagbago ang ihip ng hangin at may oras na siya ngayon.

"Where's your notebook? I'll try to solve this." aniya.

Mabilis ko namang binuklat ang notebook ko at nilapit sa kanya. Kinuha niya iyon, at mabilis na nagsulat roon. Parang wala lang ilang minuto nang binasa niya iyon, nakuha niya na ata kung paano gawin.

Samantalang ako, ilang beses ko nang pabalik-balik binasa, wala namang pumapasok sa utak ko. Ibinaba niya agad ang ball nang matapos siya, nakuha niya na ata ang tamang sagot.

"Nakuha mo na?" usisa ko, tumango naman siya pero parang hindi pa siya kumpyansa.

"Yeah... but this formula is way more complicated. I'll find an easier one." sagot niya.

Tumango-tango naman ako, at tinignan ang gawa niya. Ang haba nga, at ang daming pagdadaanan bago makuha ang tamang sagot. Tinitignan ko palang nahihilo na ako. Hindi ko kaya 'yan.

"Tama-tama, hanap kang mas madali."

Inabot na kami ng ilang minuto, at marami na siyang nasulat sa notebook ko. Irereview ko raw iyon lahat, parang gusto ko nalang maiyak dito.

Hindi ko napansin na madilim na pala, at nakauwi na sila Daddy. Pag akyat niya, ay nakita niya kami agad ni Wyatt na nasa living room.

"Wyatt? You're here." bati nito at lumapit sa amin.

"Good evening Tito,"

"Tinuturuan niya ako, Dad." paliwanag ko sa kanya, kahit obvious naman dahil sa dami ng nakabuklat na libro sa mesa.

"That's good, mabuti at tinutulungan ka ni Wyatt. Pasensya ka na sa anak ko, dinala ka ba niya rito?" baling ni Daddy kay Wyatt, tumaas naman ang kilay ko.

"No Tito, I volunteered to help her."

Tumango-tango ako sa sagot ni Wyatt, bakit mukha ba akong taong walang matinong ginagawa sa buhay? Mang gugulo ako ng nanahimik ganoon?

"Nagkusa siya, Daddy!" tanggol ko sa sarili. Natawa naman ito at tumango nalang.

"Okay-okay, I understand. Naghahain na ng hapunan sa baba, Wyatt dito kana kumain."

Trophy of the Sunsets (Tonjuarez Series II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon