Chapter 2
Hindi ko namalayan ang paglipas ng araw, Sabado na pala. Hindi ko alam kung dahil ba hindi ko masyadong sineryoso ang usapan namin ni Wyatt, kaya ang bilis ng araw para sa akin.
Sa sobrang prente ko nga, nawala sa isip ko na wala akong address si Wyatt. Ang lakas pa ng loob kong sabihin na ako ang pupunta sa bahay nila.
Buti nalang naisip niyang ipaalala sa akin kahapon.
Tahimik at mag isa akong kumakain ng carbonara sa canteen, si Gabi kasi ay busy sa hindi matapos-tapos niyang group work.
Kaya kumain na ako mag isa, kaya ko naman. Habang sumusubo sa pagkain ay may umupo sa harap ko, nagtataka kong tinignan kung sino iyon.
Bigla kong nilunok ay nasa bibig.
"Sorry to disturb, itatanong ko lang sana. Okay ka na bukas? Final na iyon?" paninigurado niya sa akin.
Maharan akong tumango. "Oo, okay na iyon sa akin."
"Alam mo ba kung saan ako nakatira?" Natatawang sabi niya, natigilan ako.
Oo nga, hindi ko alam "H-Hindi?"
He chuckled. Kinuha nito ang nakasabit na i.d sa leeg at inilapit sa akin. Tinignan ko lang iyon, naguguluhan.
"Akin na lang ang cellphone mo," inilahad niya ang kamay niya, mabilis ko namang binigay dahil nasa mesa lang rin naman iyon.
Kinuha niya ang cellphone at may pinindot, matapos ay itinapat niya ang i.d sa camera at nagpicture. "Here." Balik niya ng cellphone sa akin.
"I took a photo of my address, para hindi mo makalimutan." paliwanag niya.
Tumango-tango ako, mas convenient nga iyon. "Sige, salamat. Pupunta ako bukas." ani ko.
"Sure, see you!" Tumayo na siya at nag paalam na.
Luminga-linga ako sa canteen, mabuti at wala masyadong tao. Baka mapag usapan pa kaming dalawa, ayoko pa naman ng ganoon.
Binuksan ko ang gallery ko para icheck ang kuha niya. Nakalagay nga doon,
J Prime Village , block 108
Iniscroll ko ulit, kumunot ang noo ko, sa likod lang naman ng i.d iyong address. Kaya iyon lang kailangan ko, bakit pati harap ay pinicturan niya.
Tinitigan ko iyon, ano 'to gusto niya bang iflex sa akin na gwapo rin siya sa i.d picture niya?
"Dito nalang po!" para ko sa taxi, kanina ko pa hinahanap ang block 108 dito sa loob ng J Prime.
Kinse minutos na ata kaming naghahanap, umabot na ata kami ng dulo ng Village bago nahagip ng mata ko ang nakalagay ng 108 sa gilid ng gate.
"Salamat po," iniabot ko na ang bayad at bumaba na.
Nang malingon ko ng maayos ang bahay ay hindi ko mapigilan ang mapasinghap.
Sanay naman ako makakita ng mga malalaki at pang mayayamang bahay. Kahit naman ang bahay namin ay kalakihan rin, pero itong nasa harap ko ngayon, masyon ito.
Hindi lang basta masyon, isang malaking masyon. Sa mismong harap ko ay ang malaking wooden style na gate, sa lagay ko ay automated ito. Mukha high class, gate palang.
Sa mga gilid ay may malalaking halaman, kulay dark green na iyon. Siguro sa sobrang alaga at lusog nila, baka pati fertilizer ng mga yan, galing pa ng europe ha.
Pinindot ko na ang doorbell.
Alam ko namang mayaman talaga sila Wyatt, pero hindi ko lang mapigilan ang mamangha. Lalo na't isa ang pamilya nila sa pinaka maimpluwensya pagdating sa business dito sa bansa, malamang ang mga gantong mamahaling bagay, barya lang sa kanila.
BINABASA MO ANG
Trophy of the Sunsets (Tonjuarez Series II)
General FictionEanah Devon Inieno was contented with her peaceful life, she is independent and fearless. Not until the person she least expected entered her life. But the question is, can she handle it? Or just like the sunset that fades the day light, would the l...