TOTS 12

2.2K 46 6
                                    

Chapter 12

Huminto ang sinasakyan naming SUV sa harap ng isang helipad. Hindi ko alam kung saan banda ito, o kung paano kami nakapunta rito. Ang tangging naaalala ko lang ay nakiusap ako kay Wyatt na lumabas na ng museum, at gusto ko nang umuwi. Hindi ko naman inaakala na seryosohin niya ang sinabi niyang iuuwi niya nga ako ngayong gabi.

Ni hindi ko alam kung saan niya nakuha ang sasakyan na sinaksakyan namin, at may driver pa, may tauhan kaya sila rito? Imposible namang nilipad nila ang Maynila hanggang North.

Binuksan na niya ang pinto at inalalayan akong bumaba, "Ready?" maamo niyang tanong, marahan lang akong tumango bilang sagot.

Hinila niya na ang kamay ko, para tumungo sa nakahanda ng chopper. Umaandar na iyon, at nakapwesto na rin ang piloto. Kami na lang ang inaantay. Bumaba ang mata ko sa magkahawak naming kamay, naalala ko tuloy ang paghila niya sakin kanina palabas ng museum.

Tuloy-tuloy lang ang lakad namin, at parang bigla niyang naalala lahat ng daan. Hindi ko tuloy alam, kung pamilyar ba talaga siya sa daan at niloloko lang ako kanina. Pag emergency pala, at natataranta siya, naaalala niya pala.

Pero wala na akong lakas tanungin o komprontahin siya, ang nasa isip ko lang ngayon ay makauwi agad. Kaya hindi na rin ako tatanggi rito, dahil maganda nga ang ideya ni Wyatt na mag chopper kesa mag sasakyan. Dahil kung mag dadaan lang kami, baka bukas pa ang dating ko kung ganoon.

Pinauna niya akong sumakay, matapos ay tumabi na rin siya sa 'kin. Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan siya. Lumingon naman siya saakin, at nahuli ang mapagtaka kong tingin sa kanya.

"Why?" he curiously asked.

"Sasama ka na? Paano ang field trip?" tanong ko sa kanya, ayos lang naman na mag isa kong uuwi. Hindi niya ako kailangan samahan, hindi niya kailangan ipagpalit ang oras na nilaan niya para sa school trip namin.

Umiling siya. "Uuwi na rin ako, wala na akong gagawin rito."

"Pero hanggang bukas pa ang tour, hindi mo na tatapusin?" naguguluhan kong turan, halos iharap ko ang buong katawan ko sa kanya. Hindi niya ito kailangan gawin, kung ako lang ang iniisip niya, ayoko na siyang abalahin.

He already gave me a big favor.

Huminga ito ng malamin, pinanood ko sa gilid niya ang pagsara ng pinto. Aalis na talaga siya, determinado na rin siyang umuwi. Hindi ko naiintindihan, hindi ba siya excited para sa field trip na 'to? Kung ako lang, at walang nangyari sa bahay ay hindi ako agad uuwi, may choice naman siyang maiwan ba't gusto niya na sumama?

"I already had fun today, I think that's enough. At isa pa, paano kita hahayaan umuwi mag isa, nang para kang basang sisiw diyan?" binigyan niya ako ng mapang insulto tingin.

Nanliit ang mata ko sa kanya, at tumulis ang nguso ko. Hinampas ko ang braso niya, bago umupo ng maayos. "Ewan ko sa'yo, nagtatanong ng maayos e," saad ko sa gilid.

He just chuckled and handed me the headset, tinanggap ko iyon at sinuot na. Tinignan ko siya, at wala siyang hawak o suot na ganoon. Tinapik ko ang braso niya, dahil masyado nang maingay at hindi na kami magkarinigan.

Lumingon ito saakin, at mga braso ay naka krus nasa dibdib. "Saan sa'yo?" tanong ko, lumapit ako ng kaunti para marinig niya iyon ng malinaw.

"It's fine, I won't wear one."

"Paano tayo magkakarinigan?"

"Aren't you going to sleep? You need to regain your strength, when you meet your sister later you have enough energy." aniya.

Ngumuso ako at tumango-tango, tama naman siya. Lagi nalang advance ang isip niya, lagi nalang akong hindi nakakasabay.

Nasa ere na kami, at sumilip lang ako sandali sa gilid para makita ang tanawin. Kaso ay gabi na, kaya hindi na rin ganoon kakita ang baba. Bumalik nalang ako sa pagkakaupo ng maayos at sumandal, ilang minuto pa ay dinalaw na nga ako ng antok.

Trophy of the Sunsets (Tonjuarez Series II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon