Chapter 8
"Stoichiometry is one of the sections of chemistry that involves the relationships between reactants or products in a chemical reaction. This is to determine the desired quantitative data."
Paliwanag ni Wyatt sa harapan, umagang-umaga chemistry agad ang bungad sa amin. Nag uumpisa palang siya sa paliwanag niya, parang pang contest na ang galawan niya.
Dahil sanay siya na magsalita sa harap, at madali lang sa kanya intindihin at ipaliwanag ang topic niya, walang kahirap-hirap niya itong ipinepresenta.
Nilalabanan ko ang antok kahit mabigat na ang talukap ng mata ko. Parang sleeping pill naman ang boses ni Wyatt at inaantok ako.
Halos nahulog na ang ulo ko, dahil nakapalumbaba ako sa mesa at lumulutang na talaga ang isip ko.
Nagising tuloy ako! Napaayos ako agad ng upo at tumingin na sa harap. Nahuli ko si Wyatt na nakatingin sa direksyon ko at parang pinapanood ako.
Tumikhim ito at pinanliitan ako ng mata. Mukhang nakita niya ang pagtulog ko sa kalagitnaan ng report niya.
I made a peace sign at him and gave him an awkward smile. Bahagyan itong natawa at umiling-iling, nagpatuloy na sa pagsasalita.
"For the last part of the introduction, to simplify the stoichiometry. It is the determination of the proportions in which elements or compounds react with one another."
Nagpalakpakan ang mga kaklase ko, kaya muli akong nabuhayan at nakigaya rin. Yumuko na ito at naglakad na sa upuan niya.
Tapos na siya? Ni hindi ko man lang narinig mautal ni isang beses!
Tinawag na ang susunod na magrereport, habang papalapit ako ng papalapit matawag palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko.
First time ko ata magreport ng solo, nagaral naman akong mabuti at naintindihan ko naman na. Introduction lang rin naman ang para sa araw na 'to. Pero hindi ko pa rin mapigilan ang kabahan.
Natigil ang pagrereport ng kaklase ko, nang may isang studyanteng babae ang kumatok sa pinto.
"Excuse me po, pinapatawag po si Wyatt sa Student Affairs." paalam niya,
"Sige, Wyatt, punta ka na at tapos ka naman na." pagsang ayon ni Sir Heras.
"Thank you, Sir." tumango ito at tumayo na. Kasabay nitong lumabas ng classroom ang babae kanina.
Ngumuso ako, umalis na siya. Busy ata at baka may hinahanda nanaman para sa mga events. Ganoon naman iyon, tuwing may mga ganap sa school, si Wyatt agad ang tinatawag at siya lagi ang busy. Palaging exempted. Sabagay, parang hindi naman na niya kailangan mag aral rito. Baka nga mas advance pa ang alam niya kesa sa mga nakalagay sa textbook namin.
Paano pag tinawag na ako? Mamaya ma-mental block ako, sinong tutulong sa akin? Si Wyatt lang rin ang nakakaalam ng report ko.
Kaso wala na siya, bahala na.
"Inieno!" tawag ni Sir Heras.
Nanlaki ang mata ko at napalunok ako. Ito na nga ang sinasabi ko, kabado akong tumayo dala-dala ang laptop na may presentation ko.
Ipinatong ko na iyon sa podium at sinet-up sa projector. Humarap ako sa mga kaklase ko nang handa na ang presentation ko.
"C-Chemical bonding refers to the f-formation of a chemical bond... B-Between two or more atoms... M-Molecules or ions to g-give rise to a c-chemical c-compound...."
Nakahinga rin ako ng maluwag nang matapos na ako, sa wakas. Hindi ko alam ilang salita na sinabi ko ng nauutal. Bahala na, ang mahalaga natapos na ako!
Tuloy-tuloy ang subo ko sa french fries at ininom ang softdrinks. Naubos ata braincells ko kanina at nagutom ako.
BINABASA MO ANG
Trophy of the Sunsets (Tonjuarez Series II)
General FictionEanah Devon Inieno was contented with her peaceful life, she is independent and fearless. Not until the person she least expected entered her life. But the question is, can she handle it? Or just like the sunset that fades the day light, would the l...