1

1.1K 28 1
                                    

ZAMARA'S POV

Tulala ako habang naglalakad papuntang school. Lutang na lutang ako ngayon anong oras ba naman ako natulog 3 am na ako natulog. Buti na lang 1 pm pasok ko. Habang naglalakad ako kinuha ko ang sandwich ko sa bag dahil hindi na ako kumain sa bahay, kung kakain pa ako paniguradong malalate ako.

Halos mabingi ako nang may bumusina nang sobrang lakas dahilan para mahulog ko ang sandwich na hawak ko at sa sobrang gulat ko hindi ko napansin na may bato sa harapan ko at bigla akong natapilok.

Huminga ako nang malalim at nilingon ko ang taong bumusina nang sobrang lakas.

"Tang* ka ba?!" Sabay na sigaw namin.

Mabilis akong tumayo kahit ramdam ko na kumikirot na ang paa ko.

"Alam mo ikaw na lalaki ka, Ikaw na nga 'tong muntik na makasagasa ikaw pa ang galit?!" Inis kong sigaw sa kanya. Tinaasan n'ya lang ako ng kilay. Aba? Ang lakas ng loob nito siya pa may gawang itaas ang kilay?

Tang* kasi mag drive ng motor." Bulong kong sabi na kinasalubong ng kilay n'ya.

"Ano? Ako pa ang tang*? Sino ba 'tong nakatingin sa langit habang kumakain ng sandwich? At talagang nasa gitna pa ng kalsada nag lalakad?" Bara n'yang sabi sakin na mas lalo kong kinainis.

Nakakabus*t tong lalaking to bakit pa to binuhay.

"Ako pa ang tang*?" Inis kong sabi at tinanguan lang ako.

"Sa susunod kasi sa gilid ng kalsada naglalakad hindi sa gitna." Sabi n'ya bago umalis nang sobrang bilis magpatakbo ng motor.

Papanalangin ko talagang mab*ngga ka. Nakatingin ako sa sandwich na nahulog ko kanina. Kainis sayang 'yon. Naagaw atensyon ko nang mapatingin ako sa orasan.

1:10 pm na late na ako nito. Halos takbuhin ko na papuntang school kahit masakit ang paa ko nang makarating ako sa school agad kong hinanap ang section at room ko.

Kung minamalas ka nga naman. Fourth floor pa room ko late malala talaga. Mas binilisan ko ang lakad ko nang makarating na sa room.

"Sorry miss!" Napapikit ako nang may bumunggo saking lalaki na halos mahulog na ako sa hagdanan.

Kung minamalas ka nga naman. Hindi ko na lang pinansin at naglakad na lang nang mabilis. Nagulat ako nang may lalaking humawak sa kamay ko at nilagay n'ya sa bandang likod n'ya. Inalalayan n'ya akong umakyat.

Napatingin ako sa lalaking umalalay sa'kin pa akyat. Nagulat ako nang makita ko ang mukha n'ya.

Siya 'yung lalaking muntik na akong masagasaan?!

"Wag mo akong titigan nang ganyan." Malamig n'yang sabi sa'kin.
Bigla ako napaiwas sa sinabi n'ya. P*ta naman nakakahiya yon ha?

Nang makarating na kami sa room ko mabilis n'ya binitawan ang kamay ko at iniwan ako nang walang kahit anong sinabi.

Hindi ko na lang pinansin at pumasok agad ako sa room. Napahinga ako nang maluwag nang wala pa kaming teacher. Nag nap muna ako saglit sa desk ko. Maya maya pa nakaramdam ako na parang may tumabi sa'kin di ko na lang binigyan pansin dahil sa sobrang hingal ko.

Nakakaurat naman kasi 'tong araw na to. Kung hindi muntik masagasaan kanina mahuhulog pa sa hagdanan. Susumpa ko talaga ang dalawang lalaking yon. Panira ng araw.

Napa angat ako nang tingin nang dumating na ang teacher namin.

"Ikaw?!" Mahinang pasigaw na sabi ng katabi ko. Napatingin ako sa tabi ko.

Siya 'yung lalaking nakabunggo sa'kin sa hagdanan?!

Love Of Yesterday (COMPLETED)Where stories live. Discover now