6

259 16 1
                                    

ZAMARA'S POV

Tulala ako habang nakatingin sa pintuan ng kwarto ko. Puyat na naman ako kakaisip sa buset na Blake na 'yon. Paano ako makakapasok niyan? Wala akong id. Paniguradong sisitahin ako ng panot na guard na 'yon na laging galit daig pa yung principal kung umasta.

Parang ayoko pumasok pero hindi naman pwede. Ito na naman ako na parang pasan-pasan ang mundo. Tumayo ako at pumasok sa cr para maligo nang magising ang diwa ko. Nang makatapos na ako maligo inayos ko na ang mga gamit ko at binitbit ang bag ko.

Pagkababa nang pagkababa ko wala na akong naabutan na kahit sino sa baba. Maski si kuya wala pati rin si Lucas. Si mama paniguradong umalis na naman. Hindi na ako kumain dahil late na ako. Anong oras ba naman ako nagising.

"Aalis ka na?" Napalingon ako sa likod ko nang marinig ko ang boses ni mama.

"Opo ma." Ngiti kong sabi kay mama at lumapit sa kan'ya para halikan siya sa pisnge. Himala hindi umalis si mama? Napatingin ako sa inabot sa'kin ni mama.

"Baon mo nak." Ngiting sabi ni mama agad ko naman kinuha 'yon. Nag pa alam na ako kay mama na aalis na ako. Bago ako makalabas ng bahay narinig kong sumigaw si mama dahilan para mapahinto ako sa paglalakad.

"Sasabay daw si Lucas sa'yo. Kanina pa siya naghihintay sa labas!" Sigaw ni mama.

Sira agad araw ko nito. May asungot ba namang sasabay sa'kin. Paglabas na paglabas tumingin ako sa paligid kaso wala akong nakitang pagmumukha ni Lucas. Baka na una na 'yon umalis.

"Buti naman." Mahina kong sabi at nagsimula na maglakad.

"Anong buti naman?" Napaangat ang tingin ko nang may nagsalita at umakbay sa'kin. Nakita ko ang mukha ni Lucas na nakangiti na halos mawala na naman ang mata niya.

Mabilis kong inalis ang pagkaka abkay niya sa'kin natawa siya sa ginawa ko.

"Tanghaling tapat sumasabay init ng ulo mo." Natatawa niyang sabi. Lakas din pala mang asar nito. Huminto ako sa paglalakad at mabilis siyang sinipa sa binti niya dahilan para mapaupo siya.

"A-aray!" Daing niya habang hawak-hawak kung saan ko siya sinipa. Lumuhod ako para mag pantay ang mukha namin.

"Deserve." Ngisi kong sabi, tumayo ako at nagsimula ng maglakad. Iniwan ko mag isa si Lucas na nakaupo pa rin.

Narinig kong tinatawag ako ni Lucas. Bigla ako na konsensya sa ginawa ko. Baka umuwi si Lucas sa Japan na walang paa na. Hindi ko pa rin siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Biglang tumahimik si Lucas hindi na nya ako tinatawag. Nakaramdam ako kaba. Huminga ako ng malalim at lumingon. Paglingon na paglingon ko bumungad sakin ang dibdib ni Lucas.

Napalunok ako ng bahagyang tinapat ni Lucas ang mukha niya sa mukha ko nginitia niya ako. Kalma Zamara ang puso natin ikalma 'yan.

"H-hoy L-lucas! Malalate tayo sa ginagawa mo!" Halos mautal utal kong sabi at tinulak siya. Mabilis ko siyang tinalikuran para hindi n'ya makita ang reaction ko.

Napahawak ako sa pisnge ko na ramdam na ramdam kong nag iinit. Ano bang nangyayari sa'kin? Hindi 'to pwede.

"Hindi man lang nag sorry." Reklamo ni Lucas sa'kin tumingin ako sa kan'ya na nakataas ang kilay ko.

"Kasalanan ko ba?" Mataray kong tanong sa kan'ya at tumango sa'kin.

"Edi sorry!" Labas sa ilong kong sabi.

"Mōichidoittekudasai." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Lucas. Ngayon ko lang narinig ang boses niyang sobrang lalim na parang ang sarap sa tenga. Wait teka ano raw? Minumura ba ako nito?

"Hoy! Anong sabi mo?! Minumura mo ba ako?!" Sigaw ko sa kan'ya. Hindi niya ako pinansin at inakbayan ako.

"Pano kung sinabi kong oo?" Biglang nag init ang ulo ko sa sinabi niya.

Akmang sisipain ko ulit siya nang bigla siyang bumitaw sa pagkaka akbay sa'kin at umilag agad.

"T-teka Zamara! Chill lang! M-masakit kang sumipa!" Halos ma-utal si Lucas na parang may trauma sa sipa ko. Takot naman pala e.

Sa sobrang harot ni Lucas hindi ko na napansin na nasa tapat na kami ng school. Malayo pa lang kitang-kita ko na yung guard namin na mukhang mainit ang ulo. Parang hindi ako makakalusot sa panot na 'to.

"Why?" Tanong ni Lucas sakin nang huminto ako sa paglalakad.

Napalunok ako nang makita si Blake sa gilid ng gate. Naka pamulsa siya habang tinitignan mula ulo hanggang paa si Lucas. Anong problema nito? Sinapian na naman ba siya ng masamang espiritu.

"Kaya pala." Sabi ni Lucas.

"Ang sama naman ng tingin sa'kin ng boyfriend mo." Natatawang sabi ni Lucas. Saglit na nanahimik si Lucas.

"Teka." Bulong niya.

"Susumbong kita kay Zavier. Sasabihin ko may boyfriend ka na." Asar ni Lucas sa'kin mabilis ko siyang tinignan ng masama.

"Hoy Lucas! Subukan mong sabihin kay kuya hindi ka na makakatungtong sa bahay namin!" Sigaw ko sa kan'ya nang bigla siyang tumakbo papasok sa school.

"Oh." Napalingon ako nang may nagsalita sa gilid ko at inabot sa'kin ang id ko. Sa wakas makakapasok na rin at hindi ako masisigawan ng panot na 'yon.

Nagmamadali akong pumasok sa school.

"You're welcome miss Zamara." Napatingin ako kay Blake na naunang maglakad sa'kin . Teka paano 'yon nakapasok? Na sa akin ang id niya. Habang naglalakad ako hinahanap ko ang id ni Blake sa bag ko. Nagulat ako nang bigla ako hinatak ni Blake.

"Mag iingat ka naman tang*" Sabi niya ni blake at hawak ang isang kong kamay habang ang isa niyang kamay na sa bewang ko.

"Muntik kana mauntog sa pader." Sabi niya sakin at titig na titig sa mata ko. Mabilis kong tinanggal ang kamay niya sa akin at inabot kay Blake ang id niya.

Nagmamadali akog maglakad papunta sa room ko.

"Bus*t talaga!" Inis kong sabi sa sarili ko halos sabunutan ko na ang buhok ko.

Kanina si Lucas ngayon si Blake? Nakakainis 'tong dalawang lalaking 'to magulo na ang buhay ko mukhang madadagdagan pa.

Hindi pa ako nakakapasok sa room nasigawan agad ako ng teacher namin.

"Late ka Ms Lee?! Wag ka na pumasok!" Hindi ko na pinilit pumasok baka mas lalong magalit sa'kin si ma'am.

Bagsak balikat akong naglalakad papunta sa hagdanan at umupo.

"Kung minamalas ka nga naman talaga." Wala sa sarili kong sabi.

"Hindi ka sana malalate kung hindi ka hinaharot nong lalaking 'yon papuntang school." Malamig na sabi ng isang lalaki. Nilapag niya ang bag niya sa gilid at tumabi malapit sa akin.

Pag angat ng tingin ko nakita ko si Blake na naka earphone habang may hawak ng libro.

-

Mōichidoittekudasai means' Say it again'

Love Of Yesterday (COMPLETED)Where stories live. Discover now