32

108 9 0
                                    

ZAMARA'S POV

Kanina pa ako nababadtrip kay Blake biglang nawala sa likod ko kanina ko pa tinatawagan hindi ako sinasagot.

"Kainis!" Mahina kong sabi.

Iniwan ba naman ako sa lugar na hindi ko alam. Paano ako uuwi nito? Halos manigas ako sa kinakatayuan ko kasi may biglang tumusok sa likod na matigas na bagay napalunok ako. Ano 'to? holdaper? Ano akala sa akin nito mayaman?. Hindi ako nagpahalata na natatakot ako.

Nakakapagtaka naman ito lang atang holdaper na hindi nagsasalita? I mean wala ba 'tong sasabihin na 'miss magnanakaw 'to ibigay mo sakin yung pera at cellphone mo.' Kaso wala e.

Hindi na ako nagdalawang isip bigla kong hinawakan ang kamay niya at nilagay sa likod niya habang hawak ko ang damit niya at sinandal sa pader.

"B-blake?" Nabitawan ko siya nang nakilala ko siya.

"A-aray." Rinig kong daing niya habang hawak-hawak niya yung kamay na bigla kong nilagay sa likod niya.

Nabalian ba? Kasalanan na niya 'yan!

"Kasalanan mo 'yan." Tinignan niya ako bago siya tumayo nang maayos.

Walang nagawa si Blake kung 'di tumawa. Inakbayan niya ako habang naglalakad kami.

"Marunong ka mag taekwondo?" Umiling ako bago sumagot.

"Hindi."

Tumingin sa akin si Blake na nagtataka.

"Defense tawag don." Nagulat siya sabay tawa kasi habang sinabi ko yon bigla ko siyang kinindatan.

Kakalakad namin ni Blake nasa harapan na kami ng Jollibee. Huminto kaming dalawa at titig na titig.

Nang naglakad na ako itong si Blake hindi umaalis sa kinakatayuan niya.

Napa aray siya kasi bigla ko siyang hinampas sa braso.

Pumasok na kami sa loob at nag hanap ng bakanteng upuan.

"Ako na mag oorder." Tumango na lang ako sa kan'ya.

Tatawagin ko sana si Blake para sabihin sa kan'ya yung gusto kong kainin kaso na sa counter na siya.

Maya-maya pa dumating na si Blake habang hawak-hawak yung inorder niya. Isa-isa niyang nilapag ang mga pagkain. Natigilan ako sa inoder sa akin ni Blake.

Burger steak, larger fries, at ice cream.

Tinignan ko siya na nagtataka habang ito si Blake umupo sa harapan ko. Paano nito nalaman yung favorite ko?

Sabagay si Blake 'yan e.

Halos lahat tungkol sa akin alam ata.

Susubo na sana si Blake kaso natigilan siya kasi nakatitig ako sa kan'ya.

"Didn't you like my order? I thought that was your favorite."

Mabilis akong umiling sa kan'ya at kinain yung inorder niya. Narinig ko pa siyang tumawa ng mahina.

Napaangat ang tingin ko sa tanong ni Blake.

"Saan mo gusto pumunta?" Napangiwi ako kasi ginaya ako ni Blake. Kasi nagkibit balikat ako sa tanong niya itong Blake naman ginaya ako.

"Alam ko na!" Masaya niyang sabi.

Ngayon ko lang siya nakita na parang bata para siyang si Noah kung umakto. Parang nasanay ako sa kan'ya sa kayabangan niya na seryoso.

Parang dragon parang no'ng nakita ko siya sa gate na kasama ko si Lucas akala mo lalamunin kami ng buhay.

Scary person.

Love Of Yesterday (COMPLETED)Where stories live. Discover now