12

177 12 0
                                    

ZAMARA'S POV

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni Blake. Bigla ako nilamig kahit hindi naman malamig. Mabilis akong umiwas ng tingin sa kan'ya. Kung makatingin sa'kin si Blake akala mo ako lang 'yong babaeng gustong-gusto n'ya.

Tumingin ulit ako sa langit. Mahilig talaga ako sa mga bituin, buwan, at lalo na kapag sunsets. Inaabangan ko 'yon dati pakiramdam ko kasi kasama ko si papa at ate. Kahit wala na sila.

"Ang ganda." Wala sa sarili kong sabi habang nakatingin sa bituin.

No'ng bata ako kapag nakatingin ako sa isa mga bituin iniisip ko si papa 'yon o kaya si ate.

"No, it's more beautiful than this. It's better to stare. " Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya pero nakatingin pa rin ako sa mga bituin. Hindi ko binigyan tingin si Blake.

Nababaliw na naman 'to makikipagtalo pa ata sa akin. Eh iisa lang naman kagandahan ng bituin.

"Why didn't you try to look at what I'm staring at right now?" Tanong ni Blake sa akin.

Tinignan ko naman siya na sa akin nakatingin.

"Saan ba?" Tanong ko kay Blake at inisa isa yung mga bituin sa langit.

"You." Mahinang sabi ni Blake.

Umayos ako ng upo para hindi mapansin ni Blake na parang kinilig ako sa sinabi niya. Zamara mali 'yan. Hindi ka dapat kinikilig sa sinasabi n'yan! Pasimple akong tumikhim. Narinig kong tumawa si Blake sa'kin.

Maya-maya pa tumahimik si Blake at nakigaya sa'kin na nakatingala. Sayang malapit na ako maka graduate hindi nyo lang nakita ate, papa. Bahagya kong pinikit ang mata ko. Naramdaman kong parang umusog sa akin si Blake at biglang sinandal ang ulo niya sa balikat ko kasabay ng pag ihip ng hangin.

Kahit hindi ko pa kilala nang lubusan si Blake parang ang gaan-gaan ng pakiramdam ko sa kan'ya. Parang wala siyang gagawin na masama sa akin. Ang komportable ko sa kan'ya maski pakiramdam ko kapag kasama ko siya I really feel safe with him.

Napamulat ako nang bigla n'yang hinawakan yung kamay ko nagulat ako nang bigla niyang hinalikan ang kamay ko.

"This night has been the best I've spent my time with you." Hindi ako makagalaw lalo na't ang lapit ng mukha ni Blake sa akin. Kulang na lang mahahalikan na niya ako.

Napalunok ako nang unti unti siyang lumapit sa akin. Kinabahan ako nang makita siyang nakapikit. P*tcha naman hinatak niya ang hawak kong kamay dahilan para mayakap ko siya.

Konti na lang mahahalikan na niya ako. Kapag si Blake na sa harapan ko yung tuhod ko nanginginig nang malala. Hindi makagalaw.

"K-kuya!" Pareho kaming napalingon ni Blake sa gate nang may isang batang lalaking sumigaw.

Napakunot noo ko nang kumakaway s'ya samin habang palapit nang palapit. Nagkatinginan kami ni Blake at tingin ulit sa bata.

"What are you doing here, Noah? I told you earlier that you should not go anywhere. especially when you're not with me." Umupo ang bata sa lap ni Blake habang pinagsasabihan siya.

May kapatid si Blake? Pero ang taray ang gwapo ng bata mas gwapo pa kay Blake. Siguro 7 years old na tong batang to.

"But kuya na miss po kasi kita. That's why I asked ate to find you! And she said na nandito ka raw po!" Masayang sabi ni Noah habang tinutusok ang pisnge ni Blake. Napahilamos sa mukha si Blake na parang pinipigilan ang inis.

"Where's ate?" Tanong ni Blake sa bata. Nag kibit balikat siya habang nilalaro ang nakatali sa bewang niya.

"I guess po umuwi na!" Huminga nang malalim si Blake sa sinabi ni Noah.

Love Of Yesterday (COMPLETED)Where stories live. Discover now