26

112 9 0
                                    

ZAMARA'S POV

Nakasandal sa akin si Blake habang nanonood ng t.v habang ako naka akbay sa kan'ya.

Nasa kwarto pala kami ni Blake.

Bigla ko naalala yung tungkol sa panyo. Chance ko na 'to para itanong sa kan'ya.

"Blake."

"Hmm?"

"Matagal mo na pala ako kilala." Natigilan saglit si Blake at tumingin sa akin.

"I still remembered what I said I think it's "See you down the road, Amara."

Bigla ko naalala yung nakwento ni mama sa akin.

"I tried my best to see you again. I said to myself that I wouldn't stop to find you. Until I found you. And now, you're mine. You are not only mine, you are my girlfriend now."

"Hindi ko alam bakit ko nasabi 'yon lalo na bata pa ako." Natatawa n'yang sabi.

Hinilig n'ya ang ulo n'ya sa balikat ko at sumiksik sa akin at niyakap ang bewang ko.

"No'ng kinuha ka na ni tita at kuya mo sa amin sobra akong nalungkot I don't know why. Years have passed, dumating sa amin si Noah. Sad to say namatay si mama after n'ya manganak. Sobrang laki ng impact sa akin no'n. Ang daming nangyaring hindi maganda sa amin. Si ate yung naging mama at papa namin ni Noah." Huminto s'ya at umupo ng maayos.

"Yung papa mo?" Taka kong tanong sa kan'ya. Huminga muna s'ya ng malalim bago sumagot.

"Nasa opisina pa si papa no'n. Habang papunta s'ya sa hospital na car accident si papa. Akala naming dalawa ni ate mabubuhay si papa. But same time and same date sila namawala ni mama."

"Noah's birthday." Mahina n'yang sabi.

Hindi ako nagdalawang isip na yakapin nang mahigpit si Blake. Ngayon ko lang s'ya nakitang naging ganito. Yung lungkot at sakit sa mata n'ya.

Parang bata si Blake na yumakap sa akin. Ilang minuto kaming ganito ni Blake at maya-maya umayos na s'ya ng upo.

"Kukuha lang ako ng snack and drink." Sabi n'ya sa akin. Tumango ako sa kan'ya.

Ang linis ng kwarto ni Blake walang kadumi-dumi. Tumayo ako at lumapit sa isang table.

May laptop na nakapatong don at mga color pencil at crayons. Siguro hobby talaga ni Blake mag drawing.
Palihim akong ngumiti at kinuha yung family picture nila. Ang ganda ng ate ni Blake. Kamukha n'ya rin. Napatingin ako sa likod ng picture frame.

"Blake Nathan Buenavinz Alvero?"

May second name pala si Blake.

Naagaw ang atensyon ko sa notebook na parang makaluma yung style. Parang vintage.

Kinuha ko 'yon at nagulat ako sa nakita ko. May drawing.

At ako ang nakadrawing sa papel.
Umupo ako habang pinagmamasdan yung drawing.

Yung drawing na nakaupo ako sa lapag habang naglalaro ng lego ni Blake.

"I was afraid that one day I'd forget about you. That's why I drew you." Lumingon ako dahil biglang naglita si Blake.

Lumapit sa akin si Blake at nilapag yung dala n'yang pagkain sa lamesa.

"Kailan mo ginawa 'to?" Sabi ko sa kan'ya at pinakita yung drawing.

"Yung araw na umuwi ka na." Umupo s'ya sa kama at kinagatan yung hawak n'yang apple.

"May second name ka pala." Natigilan s'ya sa sinabi ko.

Love Of Yesterday (COMPLETED)Where stories live. Discover now