8

208 17 0
                                    

ZAMARA'S POV

Tinignan niya ako sabay ngiti. Mabilis akong umiwas ng tingin at nauna na mag lakad.

Hindi ko alam pero sobra akong kinakabahan kapag nakikita ko mukha ni Blake. Yung puso ko kulang na lang magwala. Lalo na kapag naaalala ko yung nangyari kanina. Kung paano niya argh! Huwag alalahanin Zamara. Kadiri! Erase! Erase sa utak!

"Wag mo naman ipahalata." Bulong ni blake sabay kindat sa akin. Saan kaya ito kumukuha ng kakapalan ng mukha.

Huminto ako sa pag lalakad at tumingin sa paligid kung may tao. Mahirap na baka mahuli kaming dalawa.

"Hoy ikaw!" Mahina kong sabi habang nakaduro sa kan'ya. Baka kapag nilakasan ko maka istorbo sa ibang nag ka-klase. Naki pag sabayan siya sa pag taas ng kilay ko.

"Hm?" Mahina niyang tanong sa akin. Ba't parang bigla ako nanghina sa pag 'hm' niya? Zamara ayos ang har*t!!

"W-wala!" Inis kong sabi at naglakad ulit. Bakit hindi ko man lang nabuhos inis ko sa kan'ya? Ano 'yon?! Nauwi sa wala lang?! Nakakabadtrip talaga itong si Blake.

Pumasok na agad ako sa library at nag hanap ng bakanteng upuan. Halos lahat ng upuan ay bakante dahil na rin sa may mga klase ang mga students. Umupo ako sa pinaka dulo kung saan hindi agad mapapansin na may tao ron. Dito kasi lagi yung pwesto ko sa tuwing pumupunta akong library mas tahimik kasi staka medyo malamig. Ang sarap tumambay kapag ganito yung pwesto. Binaba ko na lahat ng gamit ko sa table habang hinihintay si Blake.

Napahilamos ako sa mukha ko. Ganito ba naman ka grupo ko na bigla-bigla nawawala. Kanina nasa likod ko lang ngayon wala na. Kapag ito talaga pabigat na walang ambag hindi ko talaga 'to isasali. Na sa kan'ya pa naman 'yong dapat namin hanapin dito sa library. Kay Blake kasi binigay.

Maya-maya pa nakita ko si blake papasok sa library. Napansin kong may hawak  siyang inumin at pagkain. Nang makita niya ako biglang ngumiti siya sa'kin at lumapit. Pagkalapit na pagkalapit niya sa akin nilapag niya sa table ang bitbit niya at tumabi sa akin.

"Kainin mo muna 'yan alam kong hindi ka kumain sa inyo." Sabi niya habang nilalagyan binubuksan ang inumin na binili niya.

Minsan iniisip ko stalker ko itong si Blake o kaya mala detective conan. Masyado siyang maraming nalalaman tungkol sa'kin. Dahil hindi nga ako kumain sa bahay hindi na ako nagpatumpik tumpik pa. Kinain ko na agad ang binili ni Blake.

"Ang sarap!" Sabi ko habang sunod-sunod ang pag subo ng pagkain.

"T-teka, dahan-dahan Zamara." Nag aalala nitong sabi nang bigla akong nabulunan. Mabilis kong tinanggal ang kamay niya sa likod ko.

"Ako na nga 'tong concern sa'yo tinitignan  mo pa ako ng masama." Napakunot noo ako sa sinabi ni Blake. Bal*w talaga 'to. Sinabi niya yon habang nagmamakaawa na akala mo inapi.

"Bakit kayo kumakain dito?" Masungit na tanong ng librarian. Nako lagot.

"Nagutom lang po kasi itong girlfriend ko. Liligpitin ko na rin po ito." Halos umabot na sa tenga yung ngiti ni Blake sabay akbay sa'kin.

Kitang-kita ko ang pag taas ng kilay ng librarian sa amin at tinalikuran kami. Siniko ko nang malakas si Blake sa tagiliran. Pati ba naman sa library dinadala pagiging maharot. Hindi makadaing si Blake dahil nakatingin pa rin samin ang librarian.

"Pwede ba Blake? Alisin mo muna 'yang kaharutan mo rito sa library–" Hindi niya ako pinatapos magsalita, walang manners.

"Sige, sa labas na lang." Sabi niya sa akin. Tinignan ko ulit yung librarian nang makita kong hindi naka tingin samin inapakan ko ang paa ni Blake.

"A-aray!" Mahinang daing ni Blake at tinignan ako ng masama.

"Shut up Blake. Akina na 'yong binigay na papel ni sir para masimulan na natin." Inabot sa'kin ni Blake 'yong papel.

Sinimulan na namin mag hanap ng libro na pwedeng makatulong sa amin. Nag kan'ya kan'ya kami ni Blake para mas mapadali yung gagawin namin. Dahil maraming libro sa library no choice ako kung hindi basahin talaga ang ibang part ng libro.

Maya-maya pa nang makahanap ako ng mga libro kinuha ko agad lahat ng 'yon at pagbalik ko sa pwesto namin ni Blake nakita ko si Blake na natutulog.

"Sabi ko na nga ba. Pabigat 'tong lalaking 'to." Bagsak kong nilapag ang librong bitbit ko sa ibabaw ng lamesa dahilan para magising si Blake.

"A-anong nangyari?!" Nagtataka niyang tanong habang tingin nang tingin sa kaliwa't kanan niya. Napatingin siya sakin na nakapamewang ngayon sa harapan niya.

Aba?! Loko 'to ha?! Hindi ako pinansin?! Bumalik siya sa pagtulog niya?! Huminga ako nang malalim para hindi naman umibabaw na naman itong anger issue ko. Tumabi ako kay Blake at kinurot sa tagiliran.

"A-aray!" Napatingin samin ang librarian nang sumigaw si Blake. Sinenyasan kami nito ng huwag maingay.

"Nagpapatawa ka ba?" Inis kong tanong sa kan'ya.

"Mukha ba?" Mas lalo akong nainis sa sinagot sa'kin ni Blake. Binara ba naman ako sinong hindi maiinis don.

"Paano mo nagagawang matulog ni wala pa tayong nasisimulan?" Walang gana kong sabi habang kunukuha ko ang papel at ballpen ko para i-notes lahat ng mga nahanap namin.

Nanlaki ang mata ko nang pinakita sa'kin ang mga notes ni Blake sa nahanap niya sa libro.

"Ang tagal mo kasing mag hanap kulang na lang basahin mo lahat ng mga libro rito sa library." Paliwanag niya sa akin at kinuha lahat ng mga librong bitbit ko kanina.

Na agaw atensyon ko nang lumabas ang librarian, ito na ang pagkakataon para makabawi sa lahat ng ginawa nitong Blake na ito.

"What's that for?!" Iritang sabi ni Blake habang hawak-hawak ang ulo n'ya. Binatukan ko kasi nang malakas lahat ng inis ko kanina binuhis ko talaga sa pagbatok sa kan'ya.

"Basahin mo 'yan ikaw na rin bahala mag hanap ng sagot." Napangiwi siya sinabi ko. Hindi ko na lang pinansin si Blake at nag nap na lang ako kasi nakakaramdam na ako ng antok.

Nagising ako nang makaramdam ako na parang may humihinga sa harapan ng mukha ko. Pag mulat ng mata ko nagulat ako nang bumungad sa'kin ang mukha ni Blake na mahimbing na natutulog.

Naalarma ako bigla na halos patay na ang ilaw ng library. Mabilis kong kinuha ang cellphone ko para buksan ang flashlight at ma-check kung anong oras na.

"8:30 pm na?!" Napasigaw ako nang makita ko kung anong oras na.

P*tcha lagot ako nito kay kuya.

"Hmm." Mahinang sabi ni Blake at hinapit ang bewang ko palapit sa kan'ya na parang ginawa akong unan pilit kong kumawala sa yakap ni Blake kaso mas hinigpitan niya pa.

"Hoy! Gumising ka!" Halos yugyugin ko na si Blake kaso ayaw magising.

Love Of Yesterday (COMPLETED)Where stories live. Discover now