18

134 11 0
                                    

ZAMARA'S POV

Ilang araw na nakalipas simula no'ng nangyari 'yon. Walang nag bago gan'on pa rin. Kaso sumobrang higpit sa bahay. Si Blake? Ayon kupal pa rin. Sipsip pa rin kay mama. Kapal talaga ng pagmumukha non. Walang araw na hindi ako iniinis.

Kahapon pag gising ko wala na si mama sa bahay tapos pag uwi ni mama ang dami na namang bitbit na paper bag. Galing daw silang sm, namiss n'ya raw si mama? Wtf ang corny n'ya. Sabihin n'ya lang sipsip s'ya kay mama.

At si kuya? Sobrang busy. Hindi ko alam kung bakit palagi s'yang wala sa bahay, one time nag tanong ako kung saan ba s'ya galing lagi n'ya lang sinasabi secret hulaan ko raw. Gawin ba naman akong manghuhula.

Si Lucas naman. Simula no'ng nangyari na halos patay*n ako ni Styzy hindi na s'ya nagpakita. Nakakalungkot lang kasi halos kapatid na turing ni kuya kay Lucas. Sa totoo lang, simula no'ng hindi nagpakita si Lucas sa amin biglang tumahimik ang bahay namin na dating parang palengke. Hindi ko na rin s'ya nakikitang pumasok sa school. Akala ata ni Lucas sinisisi namin s'ya.

"Ate Zam!" Lumingon ako sa likod ko nang may sumigaw na bata.

Noah?

Anong ginagawa ng batang 'to? At sino naman kasama nito? Paano nakapasok 'to sa bahay namin?

"I miss you a lot ate Zam!" Niyakap nang mahigpit ni Noah ang bewang ko.

"I miss you too!" Inupo ko si Noah sa lap ko at hinalikan nang hinalikan ang pisnge n'ya.

"How about me?" Napatingin kami ni Noah sa gawi ni Blake na papasok sa bahay at ang may dalang ng pagkain.

Lumapit s'ya sa amin at nilapag lahat ng dala n'ya sa ibabaw ng lamesa. Pagtapos n'ya ilapag humarap s'ya sa amin at binuka ang dalawa n'yang kamay na parang nanghihingi ng yakap.

"I miss you, Zamara." Napangiwi ako kay Blake sa ginawa n'ya. Nakanguso s'ya habang nakapikit at bahagya pang gumegewang ang bewang n'ya.

Binitawan ko muna si Noah at ni-roll ko ang newspaper sa gilid ko at hinampas nang malakas sa mukha n'ya.

Nag apir kaming dalawa ni Noah habang panay tawa nito.

Umiling lang sa akin si Blake at umupo sa upuan.

"Where's tita?" Blake asked.

"Kasama si kuya." Tumango tango lang s'ya sa sagot ko habang ako namimili ng papanoorin.

Wala pala kaming pasok ngayon. Kaya itong si Blake halo araw-arawin ang pag punta rito sa bahay namin.

Minsan nga iniisip ko kung dito na ba s'ya titira samin kasi kung oo hindi ako papayag.

"Ate Zamara I saw last night kuya Blake with another girl." Wala sa sariling sabi ni Noah habang kumakain ng chocolate.

Halos mabulunan naman si Blake sa iniinom n'yang juice nang titigan ko s'ya. Lumapit ako kay Noah habang nakangiti kay Blake.

"Hindi totoo 'yon." Humagikgik si Noah sa naging reaction ng kuya n'ya.

Pa'no ba naman namumutla na si Blake. Kahit kailan talaga si Noah ang lakas mang asar.

Ilang beses na n'ya inaasae kuya nya. Kahapon nandito rin sila iniwan lang sa akin si Noah. Sabi ba naman sakin kunyare raw maniniwala ako na may babae kuya n'ya.

Kaya pag uwi nang pag uwi nila nina Blake kagabi binungad ba naman ni Noah na may babae raw si Blake.

Si mama nagulat tapos tumingin bigla kay Blake. Halos mautal na nag papaliwanag s'ya sa amin.

Ako na umaktong galit kahit wala akong paki. Tapos ang baliw?! Nilapitan ako sabay yakap sa bewang at hinalikan ako sa noo sa harap ni mama at Noah?!

Imbes matuwa ako na aasarin namin s'ya ba't parang ako yung napikon?!

"Nang aasar ka na naman Noah. Gusto mo atang niyayakap ko ate Zamara mo." Sabi ni Blake at ginulo ang buhok ni Noah.

Nakangiting tumango si Noah sa kuya n'ya. Aba nag sanib pwersa pa ang dalawa. Ngumiti nang tagumpay si Blake sa akin.

"Pag bigyan ang bata." Tinaas ko ang gitna ng daliri ko. Nakapikit at umiiling s'ya habang sinenyasan ako ni Blake n mali ang ginagawa ko.

Napasigaw ako nang biglang kagatin ni Noah ang daliri ko.

"A-aray Noah 'w-wag!" Kumandong si Noah sa kuya n'ya habang panay tawa ng dalawa.

Kapag talaga itong dalawa nagsama nauubos pasensya ko sa kanila. Minsan kakampi ko si Noah pero madalas kakampi kuya n'ya.

Malamang Zamara kapatid n'ya 'yan e.

Maya-maya pa tumigil na ang dalawa kakatukso sa akin at nanood na lang kami ng movie.

Naka upo kami sa sofa bali ang pwesto namin si Noah nakakandong at nakasandal sa dibdib sa kuya n'ya. Si Blake naman yakap-yakap ang kapatid n'ya. Habang ako katabi si Blake.

Nakaramdam ako ng antok kaya sumandal muna ako sa balikat ni Blake.

--

"Ang bigat ng babaeng 'to." Nagising ako na parang hirap na hirap akong ihiga sa malambot na higaan.

Hindi ko pinansin at nagtalukbong ng kumot sa buong katawan ko.

"N-noah stop!" Nagulat ako na parang may nakadagan sa ibabaw ko.

Unti-unti kong dinalat ang mga mata ko at dahan-dahan kong binaba ang kumot sa mukha ko.

Halos hindi ako makagalaw nang makita ko si Blake na nasa ibabaw ko. Bahagya pa siyang napalunok nang makita niya ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko magawang itulak o iwasan s'ya ng tingin. Parang hinihikayat n'ya ako ng mga mata n'yang titigan s'ya.

"Ehem." Natulak ko nang malakas si Blake dahil biglang tumikhim si kuya sa bandang pintuan ng kwarto ko napaupo ako nang 'di oras.

Dumaing si Blake dahil nahulog s'ya sa kama. Pamahak kasi.

"Ang bilis ng karma 'di ba Blake?" Yan na naman mala dragon na mukha ni kuya.

Hindi makaimik si Blake kay kuya. Tumingin ako kay Blake na hawak-hawak ang balakang. Napalakas ata yung tulak ko. Bigla ako nakaramdam ng konsensya ha? Hindi ko naman sinasadya 'yon.

"Kayong dalawa bumaba na kayo at kakain na." Bago umalis si kuya lumingon s'ya kay Blake at tinignan ng masama.

Ano na naman problema ng matanda 'to. Nang mawala na sa paningin ko si kuya nagmamadali akong lumapit kay Blake. Lumuhod ako sa kan'ya para magpantay kami.

"Ayos ka lang? Hindi ko sinasady-" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla n'yang hinawakan ang kamay sabay hatak at niyakap ako nang mahigpit.

Anong problema nito? Napansin ko this past few days ang weird ng kinikilos ni Blake. Biglang nagiging sweet. Sabagay sweet naman talaga s'ya.

Bumitaw na si Blake sa pagkakayakap sa akin at nginitian ako. Tumayo ako sa harapan n'ya.

"Baliw ka na." Iniwan ko s'ya mag isa sa kwarto at naririnig ko pang tumatawa s'ya.

Pagkababa ko naabutan ko si mama na nag aasikaso at si kuya inaaway si Noah. Mapagpatol sa bata ampotch*.

"Bawal mag english dito baka palayasin kita." Imbes na si Noah ang maiinis si kuya ang nainis dahil dinilaan lang s'ya ni Noah.

"Abang batang 't- Aray!" Natawa ako dahil hinampas ni mama ng sandok sa ulo ni kuya.

Napaangat ako nang tingin nang bigla akong inakbayan ni Blake. Tinapik ko ang kamay niya at tumabi kay Noah.

Habang kumakain kami nang may biglang kumatok nag katinginan kaming lahat maliban kay Noah na busy sa kinakain.

Nagpresenta na si kuya ang magbubuksan.

"Anong ginagawa mo rito?!"

Love Of Yesterday (COMPLETED)Where stories live. Discover now