35

104 10 0
                                    

ZAMARA'S POV

Kanina pa ako nakatingin sa kisame hindi ko alam kung babangon na ba ako o matutulog na lang ulit. Napatingin ako sa wrist watch ko.

6:00 am.

Flashback

"Maaga ka gumising bukas, gawin mo na lahat ng gusto mong gawin."

Huminga ako ng malalim nang maalala ko yung sinabi sa'kin ni tita. Bumangon na ako para magpahangin muna sa labas.

Napatingin ako sa likod ng pintuan nakita ko yung jacket ni kuya kinuha ko muna yun bago ako lumabas.

Medyo madilim pa sa labas walang katao-tao dahil na rin siguro na maaga pa. Pumunta ako sa park para don magpahangin. Nang nandon na ako umupo lang ako habang pinagmamasdan yung dalawang batang naglalaro.

"Mag-isa ka ata?" Napatingin ako nang may biglang nagsalita at tumabi sa akin.

Sinong kumag na 'to? Inabutan niya ako ng tubig pero hindi ko yun kinuha kasi hindi ko talaga siya kilala. Akmang aalis na ako nang may bigla siyang sinabi.

"I know you." Lumingon ako sa sinabi ng lalaking 'to.

Naka cap na color block siya at naka t shirt na black. Bigla niya ako tinitigan sa mata ngayon ko lang napansin na pareho sila ng mata ni Lucas.

"Tristan, I'm his brother." Hindi ako makagalaw sa nakikita ko ngayon.

Ang tipid naman nito mag salita kung ano kinadaldal ni Lucas siya naman yung hindi. Infairness may kapatid pala si Lucas.

Aaminin ko hindi niya kahawig si Lucas pero sa mata oo. Ang pagkakaibahan lang si Lucas parang dalawa yung personality niya kadalasan cute minsan seryoso. Kaso ito, parang hindi marunong ngumuti. Kita naman sa mata niya na sobrang seryoso.

"Done staring at me?" Tumikhim ako sa sinabi niya. Bigla niyang tinapik yung gilid ng upuan na parang sinasabi niyang tumabi ako sa kan'ya. Nagdadalawang isip pa ako kung tatabi ba o hindi.

Nang nakaupo na ako kinuha ko ang tubig na binigay niya.

"Lucas didn't go home." Bigla ako napatingin sa kan'ya dahil sa sinabi niya.

Kaya ba hindi nagpapakita ang baliw na yon?

"But don't worry. I know where he is, he just wants to be alone for now."

Sinundan ko ng tingin si Tristan palayo. Bahagya pa siyang tumigil sa paglalakad at nag lakad ulit.

Siguro alam na rin ni Lucas nangyari kay kuya kaya ganon yon. Sobrang close kasi nila ni kuya to the point na hindi na sila pinaghihiwalay kung minsan magkakampi kadalasan aso't pusa. Mapang asar kasi si Lucas tapos si kuya pikon naman.

Umuwi na lang ako para papuntahin si Alexis.

Magpapaalam muna ako.

Nagluto lang ako ng carbonara para ito na yung lunch naming dalawa. Tinawagan ko na si Alexis nang matapos na ako magluto.

"Alexis punta ka ngayon dito."

"Bakit anong meron?"

"Basta pumunta ka na lang dito."

"Sorry bess wala ako sa bahay nandito ako sa Bulacan family problem."

Nanghina ako bigla.

"May problema ka ba?"

Bigla akong na tahimik sa sinabi niya.

Wala namang problema.

"Ah meron, spill the tea!"

Love Of Yesterday (COMPLETED)Where stories live. Discover now