20

123 11 0
                                    

ZAMARA'S POV

"May karapatan pa rin s'ya na malaman n'ya!"

"I know ma, but this is not the right time for Zamara to know everything! I don't want it to happen again. Zamara almost blamed herself lalo na nung namatay si papa at ate!"

"At kailan ang right time na 'yan? Kapag lumaki na yung galit n'ya?!"

Halos manghina ako sa narinig ko kay kuya. Ako? Paano?

Hindi ko na natiis na umiyak.

"Z-zamara?" Lumingon si kuya nang tawagin ako ni mama.

Nag aalinlangan si kuya na lumapit sa akin. Hindi ako makagalaw nang hawakan n'ya ako sa braso.

Nakatingin lang ako sa kan'ya. Kitang-kita ko sa mata n'ya na nag aalala s'ya.

"Don't cry Zamara, please?"  Humagulgol ako sa sinabi ni kuya lalo nang yakapin n'ya ako.

Bakit wala akong alam? Kaya ba lagi s'yang wala?

"P-paano kuya?" Hikbi kong tanong sa kan'ya.

Bumitaw si kuya sa pagkakayakap sa akin at Lumingon kay mama. Huminga nang malalim si mama bago lumapit sa amin.

"Did you still remember after your eight birthday? When papa and ate had motor accident?" Tanging tango lang ang tugon ko kay kuya.

" Nawalan ng brake ang motor nina papa." Mahinang sabi ni kuya.

"After your sister's graduation in college they promise to bring a wonderful gift for you."

"But in the end, they promise like a star. You can feel, you can talk, and you can even imagine how important it is. Zamara, you always blamed yourself. Dahil naghangad ka ng regalo na gusto mo. That night, hindi sila nag dalawang isip na bumili ng mabibigay na regalo sa'yo, but we didn't expect that night to become a nightmare."

Iyak ako nang iyak sa sinabi ni mama.

"B-bakit hindi n'yo agad sinabi?"

"Nag mukha akong tanga! Na ang alam ko namatay sila nang dahil sa aksidente lang! Bakit hindi n'yo man lang pinaalam sa akin yung totoo!" Galit na galit akong tumingin kay kuya.

"Akala ko ba walang taguan ng sekreto rito kuya?" Hahawakan sana ni kuya ang kamay ko kaso inilagan ko

"Z-zamara!" Rinig kong sigaw nilang dalawa.

Hindi ko matiis na mag stay sa bahay na 'yon. Habang tumatagal lalo akong nasasaktan at nahihirapan.

Takbo ako nang takbo. Wala na akong pakialam kung saan ako dalhin ng mga paa ko basta ang gusto ko lumayo kahit saglit.

Mas nasaktan ako ng itago sa akin lahat ni kuya. Akala ko ba iitindihin namin ang isa't isa ano man mangyari? Akala ko ba hindi s'ya tulad ng iba? Akala ko.

Bakit hindi n'ya sinabi? Bakit hindi nila sinabi?

Tumingin ako sa langit kasabay ng pagbuhos ng malakas ng ulan.

Huminto ako sa pagtakbo at napaluhod sa gitna ng kalsada.

"Ang daya mo kuya!"

Biglang nag flashback sa akin lahat ng memories na kasama sina papa.

Napahagulgol ako nang maalala ko na lahat lahat.

Saksi ako kung paano sumalpok ang sinasakyang motor nina papa sa isang truck. Tandang-tanda ko na hinihintay ko sila sa labas ng bahay. Halos nanghina ako non lalo na nang tumalsik sa akin ang napaka laking teddy bear na regalo nila sa akin. At ang teddy bear na yon puno ng dugo nila.

Bata pa ako kaya halos lahat hindi malinaw. Habang lumalaki ako nakakalimutan ko ang bawat detalye maliban sa motor accident.

"Hindi mo malalaman lahat kung tatakasan mo lang." Napaangat ako ng tingin nang may biglang nagsalita.

Mas lalo akong naiyak dahil nakita ko si Blake na nakapamulsa at pinayungan ako.

Lumuhod s'ya sa akin at pinunasa ang luha ko at nginitian ako.

"Go back to your home now, love. Try to ask. I'm not saying it's wrong to run away from everything. It's alright what you are doing right now. I know it's hard to accept."

Yung galit ko kanina biglang nawala nang marinig ko ang sinabi n'ya.

Hindi ko natiis na yakapin si Blake nang sobrang higpit.

"But how? I can't." Alam ko sa sarili ko na hindi ko kaya bumalik sa lugar na yon.

"No, you can, Zamara. You just think you can't because you're afraid to know everything, you are just afraid. And I want to disappear your fear." Kalmado lang si Blake.

Bigla ko tuloy naalala si papa kaugali niya si papa na kalmado na parang hindi marunong magalit.

Hindi ko na napansin na pareho na pala kaming basang-basa sa ulan.

Hinawakan ni Blake ang kamay ko at marahan akong tinayo.

Natawa ako bahagya dahil bigla niya akong kinindatan.

"Mas bagay sayo 'yan." Sabi niya sa akin.

Nagulat ako dahil hinalikan ni Blake ang kamay ko. Hinawakan n'ya ang bewang ko at dinikit niya ang noo ko sa noo n'ya.

Ngayon kitang-kita ko ang mukha ni Blake. Maamo, maaliwalas, at ang sarap titigan parang nawala lahat ng sakit na nararamdaman na meron ako.

Sinayaw ako ni Blake at sumabay lang ako sa galaw n'ya.

"Hindi kita pipilitin sa mga nabitawan kong salita kanina. But all I can do is be here by your side til the end." hinilig ko ang ulo ko sa dibdib ni Blake.

Huminahon ako dahil nandyan ka. Nawala ang galit ko dahil sa katagang binitawan mo. Tumigil ang pag iyak ko dahil sa yakap mo.

On the first day, I felt safe with his arm, and now I understand why I feel safe when I'm with Blake.

"Tumila na ang ulan." Sabi ni Blake sabay nguso sa langit.

"Kasabay ng pagtigil ng iyak mo." Ngumiti ako sa sinabi niya.

Pinulot niya ang payong na dala n'ya kanina.

"Ayos na ba yung pakiramdam mo?" Tumango ako sa tanong ni Blake.

"Hahatid na kita sa inyo." Hinatak n'ya ako palakad habang hawak hawak ang kamay ko.

Huminga ako ng malalim sa ginawa niya. Ayoko pang umuwi pero hindi pwede. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko matapos ang nangyari kanina.

Hanggang ngayon hawak pa rin ni Blake ang kamay ko mukhang wala siyang balak bitawan.

Kasalanan ko 'to kung bakit giniginaw ako ngayon. Naulanan ba naman ako tapos ang lakas pa ng hangin.

Napatingin ako kay Blake kasi bigla akong tinignan. Huminto siya sa paglalakad at napahinto rin ako.

Anong problema nito?

Nagulat ako kasi bigla niya akong niyakap nang sobrang higpit na akala mo hindi na mauulit.

Nawala ang ginaw ko dahil sa yakap ni blake. Kahit nabasa rin s'ya ng ulan hindi ko maitindihan kung bakit no'ng niyakap n'ya ako. Imbes mas lalo akong lamigin nawala yung ginaw ko.

Hinalikan ako sa noo ni Blake at may inabot sa aking panyo.

Kunot noo ko yun kinuha. Ang weird talaga ng lalaking 'to masyadong random.

"Magpahinga ka na." Bago umalis si Blake marahan niya akong hinalikan ulit sa noo.

Pinagmasdan ko si Blake habang paalis na sa bahay namin. Nang hindi ko na s'ya maaninagan tinignan ko ang panyong binigay niya sa akin.

Color white s'ya at parang may naka burdang pangalan.

Amara.

Tumingin ako sa likod ko nag babakasakaling makita si Blake.

Paano napunta sa kan'ya ito? Bigay 'to sa akin ni papa bago s'ya mawala.

Love Of Yesterday (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz