23

117 8 1
                                    

ZAMARA'S POV

Parang gumuho ang mundo ko sa narinig ko mula kay Lucas.

"Uuwi na ng Japan si Zavier!"

"A-ano?" Mahina kong tanong.

"Aish! Ako na lang hintayin mo dyan!"
Dahan-dahan kong binaba ang phone ko.

Ang daya mo kuya! Hindi ka man lang nag paalam hindi mo man lang ako binigyan ng chance mag sorry.

Napaupo ako sa side walk at niyakap ang sarili ko.

Hindi pa ako ready na umalis ka ulit kuya. Bigyan mo pa ako ng oras na makasama ka. Sana pinagbigyan mo ako. Hindi pa 'to sapat para panghawakan ko lahat ng memories na meron tayo. Huwag mo naman ako ulit iwan kuya hindi ko kaya ayoko ulit maramdaman mag isa ulit ako.

Ayoko.

Dito ka na lang 'wag kanang umalis, please kuya.

"Zamara." Tumingin ako nang may biglang naglahad ng kamay sa akin.

Nanlalabo ang mga mata ko dahil sa luha. Pinunasan ko muna ang mata ko bago ko kunin ang kamay ni Blake. Nang mahawakan na n'ya ako niyakap n'ya ako nang mahigpit.

"Everything will be alright." Blake whispered.

Ngumiti si Lucas sa akin na nasa likod ni Blake.

"Tara na baka hindi natin s'ya maabutan." Sabi ni Lucas at sumabay sa kotse n'ya.

Pinagbuksan ako ni Blake habang si Blake umupo sa passenger seat.

Buong biyahe tahimik lang. Hindi ako makapagsalita tanging nakatingin lang ako sa bintana.

Hindi pa naman siguro huli para makahingi ng sorry sa kan'ya hindi pa huli para mayakap ko nang mahigpit si kuya.

Huminga ako nang malalim habang nakayuko habang pinaglalaruan ko ang kuko ko.

Tumingin ako kila Blake nang huminto ang kotse ni Lucas.

"Nandito na tayo." Tumingin si Lucas sa akin pati si Blake.

"Dapat sa airport hindi ba?" Takang tanong ni Blake habang pinagmamasdan kung nasaan kami.

"Eh sa trip ni Zavier sumakay ng train papuntasa airport." Sabi ni Lucas.

Tumango-tango si Blake sa kan'ya.

"Puntahan mo na s'ya." Lucas said.

"Go ahead, Zamara, and talk to him. I'll wait for you." Nginitian ako ni Blake bago ako lumabas ng kotse.

Hindi na ako nagdalawang isip na tumakbo papunta sa train. Medyo madaming tao at mahirap hanapin si kuya.

Napahinto ako nag makita ko si kuya na nakatayo. Nagmamadali akong tumakbo at niyakap s'ya.

"Kuya!" Siniksik ko ang mukha ko sa likod ni kuya at niyakap nang sobrang higpit.

Buti naabutan ko pa s'ya pwede ko pa s'yang pigilan.

Nagulat ako kasi biglang inalis ni kuya ang pagkakayakap ko sa kanya at tinignan ako ng masama.

"Do I know you miss?" Napaawang ang labi ko nang mapagtanto ko na hindi pala si kuya ang niyakap ko.

Zamara naman kahit kailan napaka tang* mo!

"S-sorry po!" Hindi ko na nagawang tignan ang lalaki at iniwan s'ya mag isa.

Nang nasa tapat na ako ng train tumingin ako sa paligid nag babakasakaling makita si kuya.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko nang mahuli ko si kuya na nakatingin sa akin.

Love Of Yesterday (COMPLETED)Where stories live. Discover now