19

142 14 0
                                    

ZAMARA'S POV

"Anong ginagawa mo rito?!" Nagsitayuan kaming lahat sa sigaw ni kuya. Hinawakan ni mama si Noah at akmang susunod si Blake kay kuya nang biglang tumatakbo papunta sa amin si Lucas.

Umupo si Lucas sa tabi ni Blake habang ang lawak ng ngiti n'ya.

Lucas??

"L-lucas?" Sabay na sabi namin ni mama at ni Blake.

"B-bakit ngayon ka lang?" Tanong ko sa kan'ya.

Maya maya pa dumating si kuya na nakabusangot ang mukha. Tumabi siya kay Lucas.

Nakahinga kami nang malalim nang mapagtanto namin na si Lucas pala.

"A-ah! Gan'yan ka ba? Kapag na miss ako nang sobra?" Ayan na naman sila.

Ngayon na nga lang nagkita mag aaway pa.

"Bakit ngayon ka lang?!" Kinindatan ni Lucas si kuya na galit na galit na naman.

"Tama na 'yan." Suway ni mama sa kanila. Tuwang-tuwang kumandong si Noah kay Lucas.

Kalaro kasi palagi ni Lucas si Noah. Kaya halos hindi rin sila mapaghiwalay. Lalo no'ng hindi nagpakita si Lucas sa amin. Halos araw-araw n'yang hinahanap si Lucas, iniiyakan pa nga n'ya.

"I want to apologize. Especially, Zamara. I didn't mean—" Hindi natapos ang sasabihin ni Lucas dahil biglang sinubuan si Lucas ng saging.

Inabutan ni Blake ng tubig si Lucas pano ba naman halos mabulunan na dahil sa kagagawan ni kuya. Umirap sa hangin si kuya.

"You're bad talaga!" Sigaw ni Noah habang nakaturo kay kuya. Niyakap ni Noah si Lucas.

Tinignan ng masama ni Blake si Noah. Ito pa, galit din s'ya. Ano bang klaseng environment meron dito? Mga tigre ba 'to?

Na sa sala kami ngayon pagtapos namin kumain.

Walang ibang nangyari kanina habang kumakain kami. Kun'di asaran, pikunan, at tawanan. Hindi ko maiwasang hindi ngumiti habang nakatingin kila kuya, Noah, at kay Blake.

Talagang na-miss nila nang sobra si Lucas. Napalingon sa'kin si Lucas at ngumiti sa akin at nginitian ko rin s'ya.

Maya-maya pa tumahimik sila nang kinuha muna ni mama si Noah.

"Maybe next next month or next month. Uuwi na ako ng Japan." Halos mabingi ako sa narinig ko kay Lucas.

Akala ko ba??

Akala ko ba dito s'ya mag aaral at dito na rin titira??

Naging seryoso sina kuya. Hinihintay kong tumawa si Lucas baka nag bibiro lang.

Mapagbiro kasi itong bus*t na 'to.

"Kaya hindi ako pumupunta rito inaayos ko na 'yung mga kailangan ko para makauwi. At iuuwi ko na rin sina lolo sa Japan." Ramdam ko yung lungkot ni Lucas.

Yumuko s'ya habang pinaglalaruan ang kuko n'ya. Hinagod ni kuya ang likod ni Lucas.

Napayuko ako.

Kahit gan'yan naman si Lucas, halos tinuring ko na s'yang kapatid ko. Aaminin ko mamimiss ko ito nang sobra.

Pag angat ko ng tingin nakita ko si Blake na nakatingin sa akin. Bahagya n'ya akong nginitian.

Pagkatapos ng seryosong usapan kanina nag paalam na si Lucas na mauuna na raw s'ya. Kami na lang ni Blake ang tao sa sala dahil si kuya sumama kay Lucas.

Lumapit si Blake sa akin at lumuhod at hinawakan ang baba ko para iangat ang tingin ko.

Nagtama ang mga mata namin.

Love Of Yesterday (COMPLETED)Where stories live. Discover now