4

268 16 0
                                    

ZAMARA'S POV

"Gabi na malamig na rito."  Napaangat ako ng tingin nang may isang lalaking biglang nagsalita. Nang maaninag ko ang mukha niya halos mahulog ako sa kinauupuan ko nang makilala ko kung sino siya.

Lumuhod siya para magpantay kami.

"9 pm na, Delikado na rito sa labas. Hatid na kita sa inyo."  Mahina niyang sabi sakin.

Siya 'yong lalaking muntik na ako masagasaan ng motor. Hindi ko alam pero yung inis na nararamdaman ko kanina na palitan ng gaan ng loob sa kan'ya.

Yung mukha niyang mala tigre kanina naging pusang maamo bigla.

"Kanina pa kita nakitang naka upo mag isa diyan na parang pasan-pasan mo 'yong mundo."  Biro niyang sabi.

Marunong pala 'to mag biro at ngumiti. Buong akala ko pinanganak siyang may sama ng loob.

"Tara na." Mahina niyang sabi sakin at ginulo ang buhok ko at tumayo na siya.

Hindi ko pinahalata sa kanya na nabigla ako sa ginawa niya.  Abnormal ba 'to?  Bigla-bigla na lang susulpot tapos mag iiba ng ugali.

Napansin ko na parang may kinukuha siya sa bag. Akmang tatayo na ako bigla niyang hinawakan ang balikat ko para paupuin ako.

Inangat niya ang pants ko at bahagya niya lang hinipan ang gasgas ko bago niya nilagyan ng band aid.

"Ayan ok na tara na."  Sabi niya at kinuha ang bag ko at iniwan akong tulala.

Seryos ba 'yon?  Teka Zamara nananaginip ka ata.  Tinampal ko ang pisnge ko.

"Aray!"  Mahina kong daing at bahagya pa akong pumikit.

"Sabi ko tara na."

"Ay! Potch*!"  Tinignan ko nang masama 'tong lalaking 'to bigla ba naman bumulong sa tenga ko. Tumawa lang siya nang malakas at nauna ulit maglakad.

Napairap na lang ako sa hangin at sinunandan siya. Yung pwesto naming dalawa siya yong na sa unahan ko habang nasa likod niya ako. Hindi ako mapakaniwala na ginawa niya 'yon.

Matapos ako sabihan ng tang* at sigaw-sigawan sa kalsada?  At muntik ako masagasaan ng motor??  Bigla-bigla na lang siya babait na akala mo sinapian ng anghel.

Teka? Alam niya ba kung saan ako nakatira? Habang naglalakad kasi kami pansin ko bawat nililikuan niya 'yon yung papunta sa bahay namin.

Sobrang tahimik ng paligid dagdag pa na niisa samin walang kumikibo. Gusto ko siya sana tanungin kung bakit siya biglang bumait kaso umiiral na naman pagiging shy type ko kaya yumuko na lang ako habang nilalaro ko 'yung kuko ko.

"A-aray!" Mahina kong daing habang hawak hawak ko ang noo ko.

Pa'no ba naman bigla na lang huminto 'tong lalaking 'to dahil nakayuko ako hindi ko napansin dahilan para mauntog ako sa likod niya.

"Ano bang pinag-gagawa mo?" Taka niyang tanong.

Hindi ko pinansin yung tanong niya at napatitig ako nang napansin kong nasa tapat na kami ng bahay namin.

Teka? Alam niya nga? Lah pan'o 'yon?

"Oh." Maikli niyang sabi at inabot sakin ang bag ko.

"Welcome." Nagulat ako sa sinabi niya at bigla na lang naglakad palayo sakin.

Ang astig din nitong lalaking 'to. Hindi pa ako nag ta-thank you nag sabi agad ng welcome. Abnorm*l ata 'to e.

Pag harap ko sa gate namin halos humiwalay kaluluwa ko kung sino ang kaharap ko habang nag t-toothpick.

"Ano ba kuya!" Tinignan ko nang masama si kuya at kibit balikat lang siya sa'kin habang tinatanaw na kung sino sa paligid.

"Bakit ngayon ka lang?" Tanong niya sa'kin at pinagbuksan ako ng gate.

"Aray!" Sigaw niya nang hampasin ko siya sa likod.

Isa pa 'to epal sa buhay ko. Minsan na nga lang pumunta sa bahay mang gugulat pa.

"Wag ka mag alala wala akong nakita." Sabi ni kuya at inakbayan ako.

"Promise wala, wala lang 'yong may lalaking naghatid sayo rito sa bahay promise hindi ko talaga nakita pati na rin yong pag abot ng bag sayo sabay sabing "Oh."  Talagang inacting niya pa kung paano inabot sa'kin ng lalaking yon ng bag ko. Napahinto ako sa paglalakad at bahagyang pumikit.

Kalma Zamara. Kuya mo iyan 'wag mainis minsan lang naman kayo magkita chill lang Zamara.

Kinindatan ako ni kuya at nauna ng pumasok sa bahay at sumunod na lang ako sa kan'ya. Pag pasok ko sa bahay may narinig akong may tumawag sa pangalan ko.

"Hi Zamara!" Napalingon ako nang marinig ko ang pangalan ko.

Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Lucas na nakaupo sa sofa.

Teka? Pinsan ko ba siya? Kadugo? Ba't parang wala ako natatandaan na may pinsan o kadugo ako na tulad nitong lilalang na 'to. Nginitian niya ako na halos mawala na ang mata niya. Singkit kasi si Lucas.

"Oh? Magkakilala kayo?" Takang tanong ni kuya habang nag aasikaso sa lamesa.

"Kaklase ko siya." Sabay naming sabi ni Lucas.

Si Lucas ba sisira ng buhay ko? Kasi kung oo kunin na sana ako ni Lord.

Tumaas ang kilay ni kuya nang sabay kami magsalita.

"Ikaw Lucas ayusin mo buhay mo." Banta ni kuya at tinignan ng masama si Lucas. Hindi ko na lang sila pinansin kasi nagsisimula na sila magtalo.

Umupo na lang ako at nagsimulang kumain at patuloy pa rin sila nagtatalo. Tamang nood lang sa kanilang dalawa. Ito kasi si kuya pikon si Lucas naman ang lakas mang asar.

Maya-maya pa tumahimik na sila at sinaluhan na akong kumain. Binasag ni kuya ang katahimikan namin.

"Zamara natatandaan mo 'yong kinukwento ko sayo nong nasa japan pa ako?" Tanong ni kuya.

Pinagsasabi nito umiling ako sa kan'ya.

"Mag kamukhang magkamukha talaga kayo ni Zamara, Zavier." Nalipat ang atensyon namin nang magsalita bigla si Lucas at pinagmamasdan mukha namin ni kuya.

"Malamang, kambal nga e." Walang ganang sabi ni kuya.

"Zamara nauntog ba ulo mo? Yong nag iisa kong kaibigan sa Japan." Paliwanag ni kuya.

Napatigil ako sa pagkain ko nang ma realize ko yong sinasabi ni kuya. Palagi pala nag kwe-kwento si kuya sa'kin nong nasa japan siya. Yong lalaking kaibigan niya raw. Natulala ako bigla sa na isip ko bigla. Si Lucas ba sinasabi ni kuya? Teka? Si Lucas ba talaga?

"Si Lucas 'yong tinutukoy ko." Nabulunan ako sa sarili kong laway sa mga narinig ko.

Napabaling ang tingin ko kay Lucas na parang kumikinang ang mata. Tao ba to o star?

Sa sobrang hindi ako mapakaniwala napasubo na lang ako ng pagkain nang sunod-sunod.

"Actually boyfriend ko si Zavier." Sabi ni Lucas sakin. Nabuga ko ang kinakain ko sa mukha ni Lucas.

Seryoso?? Bakit?? Paano??

Love Of Yesterday (COMPLETED)Where stories live. Discover now