36

116 12 0
                                    

ZAMARA'S POV

I'm sure someone will be waiting for you, here.

I'm sure someone will be waiting for you, here.

I'm sure someone will be waiting for you, here.

Kanina pa umeecho sa utak ko yung huling sinabi ni Lucas.

Hindi naman ako nag a-asume pero what if 'di ba?

What if lang.

"Ang lalim ng iniisip natin ha?" Napalingon ako sa likod ko nang may nag salita.

"T-teka i-ikaw yung—"

"Yes, I am." Napanganga ako kasi kung kanina mata lang nakita ko dahil naka mask siya ngayon wala na siyang mask.

Ay infairness mas gwapo kay Lucas 'to. Naningkit ang mata ko kasi bigla siyang ngumisi sa'kin.

"You really like staring, huh?" Umiwas ako ng tingin dahil sa sinabi niya.

Obvious ba? Zamara umayos ka naman.

Malayo pa lang nakikita ko na si Lucas palapit samin habang bitbit yung mga maleta ko. Siya naman may gusto na s'ya na lang kukuha madali lang akong kausap.

Tinignan niya kami pareho ni Tristan.

"Magkakilala kayo?" Tanong ni Lucas. Pareho kaming tumango ni Tristan.

"Astig." Napairap ako kay Lucas.

Jusmeyo parang batang manghang-mangha sa nakita. Akala ko nakakita ng tatlong star na umiikot sa ulo niya.

Dahil anong oras na walang masyadong dumadaan ng bus at itong mga kasama ko sobrang tahimik. Bigla akong humarap sa kanila at tinignan isa-isa.

Feel ko nag-away 'to.

"I thought Lucas uuwi ka na rin ng Japan?" Tanging iling lang sagot niya sa'kin habang nakatingin sa kaliwang direksyon at ang kuya niyang si Tristan nag cellphone lang at hindi man lang magawang tumingin samin.

Corny.

Maya-maya pa may nag stop na ng bus. Tinulungan nila akong ilagay yung mga dala kong maleta bago ako sumakay nag babye muna ako. Nakatingin ako hanggang sa umaandar na yung bus umiwas na ako ng tingin at tumingala para hindi bumagsak ang luha ko.

Naiiyak ako.

Ang hirap iwanan pero kailangan.

——————

Nagising na lang ako nang nag announce na yung nag assist samin na pababa na yung sinasakyan naming eroplano.

Nasa Japan na ako.

Tumingin muna ako sa bintana, ang ganda ng view mukha naman ma e-enjoy ko. Inayos ko na ang gamit ko para mamaya bababa na lang ako.

Maya-maya pa nakababa na ako at na aayos na lahat. Hinahanap ko na lang si tita ang sabi niya susunduin niya raw ako para hindi raw ako maligaw.

"Zamara! Zamara!" Hindi ko mahanap si tita sa sobrang daming tao ano ba 'yan.

Ang liit pa naman ni tita mas matangkad pa ako sa kan'ya.

"Aray!"

Nagulat ako bigla ako piningot ni tita.

"Halos nasa harapan mo na ako hindi mo pa ako nakita?!" Sungit nito ni tita kaya matandang dalaga e.

"Paano po kita makikita kung nasa gilid ka po? Hindi naman po nasa harapan kita e?!" Umilag ako nang akmang hahampasin ako ni tita.

Ang sarap naman ng bungad ni tita nakaka appreciate talaga.

"Ikaw talagang bata ka! Manang mana ka talaga sa ku—" Natigilan siya saglit.

"Anyways kumain muna tayo bago umuwi tapos ipapasyal na rin kita bukas para mamaya maka pagpahinga ka muna." Ngumiti lang ako sa sinabi ni tita. Ang galing sumeway ni tita.

Pinagmamasdan ko si tita habang nilalagayan niya yung pinggan ko ng puro pagkain. Nasa japanese food restaurant kami ngayon.

"Kumusta pala?" Tanong ni tita sa'kin.

Bahagya niya pa ako tinignan kasi hindi agad ako sumagot.

"Ayos lang po." Sagot ko.

"Hindi 'yan ang ibig kong sabihin." Ito talaga si tita gusto talaga detelyado lahat. Dapat sabihin mo as in lahat-lahat.

"Naka pag pa-alam naman po ako sa kanila bago ako umalis." Tumingin ulit siya sa akin.

Ginulo ni tita ang buhok ko at ngumiti sakin.

"Ikaw talaga." Nagtataka akong nakatingin dahil sa sinabi ni tita.

"Alam ko, alam ko pamangkin." Bulong niya.

Natawa siya sa akin kasi hindi ko na gets ang sinasabi ni tita.

"Yung kay Blake." Natigilan ako saglit kay tita.

Paano niya nalaman? Ano 'yon naiwan niya yung tenga niya sa Pilipinas?

"Wala akong alam, tinatanong lang kita."

Napatango na lang si tita kasi hindi ko sinasagot yung tanong niya.

"Okay sige na kumain ka na."

Paano niya nalaman 'yon? Grabi na talaga si Tita.

——

Natapos na kaming kumain at dumereto na kami sa bahay inaayos ko ngayon yung mga gamit ko sa kwarto. Dati napapanood ko lang sa mga Japanese movie yung ganitong kwarto tapos ngayon ganto na ang kwarto ko.

Nagulat ako nang biglang umilaw yung bracelet na binigay sa'kin ni Blake.

"Hindi ko 'to napansin."

Flashback

Don't open it until your bracelet makes a sound."

End of flashback

Inisa isa ko lahat ng gamit ko para i-check kung nasama ko ba yung scrapbook na binigay niya.

"Ayon!" Nagmamadali kong kinuha yon at binuksan.

Bumungad sa akin ang

I LOVE YOU LIKE YESTERDAY

The next page has a picture. It's from the day when Papa had an accident. It's a picture of us playing with Lego.

Paano nagkaroon ng picture si Blake nito?

The first time I saw you, My heart skipped a beat.

Palihim akong napangiti sa nakasulat.

Bata pa lang malandi na si Blake taray.

Hindi ko maiwasang hindi ngumiti sa nababasa ko pati sa mga pictures. Yung picture kasi yung kung paano kami unang nagkakilala.

Hanggang sa huling pagkikitang ayos pa kaming dalawa.

Thank you for listening to me and giving me a chance to prove myself to you. I can't handle this feeling. Every time I see you, every time you're near me, and every single day I feel love from you, it's like heaven that I don't want to leave and my heart calls your name, Zamara.

Ito yung picture na pumunta kami bigla sa isang ilog.

Dahan-dahan kong sinara ang scrapbook at bahagya pang humiga sa sahig.

Tama bang iniwan kita nang hindi mo man lang alam ang dahilan?

Kinuha ko ang phone ko at bumungad sa akin yung wallpaper ko na kaming dalawa ni Blake.

I know it's hard to forget you. Since I'm here now, I will let you go.

Sorry, Blake.

Forgive me for what I did.

I love you.

See you down the road.

I hope to see you happy again someday. I miss seeing your beautiful smile and hearing your laughter that brings music to my ears. I will patiently wait for that day to come.

I will wait.

Love Of Yesterday (COMPLETED)Where stories live. Discover now