33

103 11 0
                                    

ZAMARA'S POV

Isang buwan na simula ang nakalipas. Naging sandalan ko si Blake at si Styzy ang pagkakaalam ko nasa mental hospital pa rin siya. Si Lucas na parang naging kuya ko. Siya yung tumayong kuya Zavier ko. Hanggang ngayon wala pa rin kaming balita tungkol kay kuya. Medyo naging busy si Blake hindi na masyado nagpapakita sa akin kahit man lang text or call medyo nag-naalala na rin ako.

I'm still hoping.

Nandito ako ngayon sa kwarto na kung nasaan ang burial jar nina papa.

"Isang buwan ka ng wala mama. Ang bilis ng panahon halos hindi ko napansin." Nakatingin lang ako sa jar na nasa harapan ko.

Tumayo ako at bahagyang pinunasan ang jar.

"Don't worry ma, pa, ate hahanapin namin si kuya."

Hanggang ngayon kasi hinahanap pa nina tita si kuya at babalitan niya na lang daw ako.

Pumasok muna ako sa kwarto ko para kunin yung wallet at phone ko. Kakapadala lang ni tita nakaraan at balak ko bumili ng gamit ko for school malapit na kasi ang back to school. Mag grocery na rin ako.

Tinawagan ko muna si Blake balak ko magpasama sa kan'ya.

"Blake!"

"Yes?"

"Mag grocery sana ako tapos bibili na rin ng gamit ko. Pwede mo ba ako samahan?"

Nagtaka ako kasi hindi agad sumagot si Blake parang nagdadalawang isip pa.

"Busy?" Mahina siyang sumagot sa akin ng 'oo.'

Sinabi ko agad sa kan'ya na ayos lang. Ni lock ko na agad ang bahay at lumabas na.

Nasa sm ako ngayon at patingin-tingin kung ano bibilhin ko. Ito ang mahirap kapag na sa sm ako hindi ko tuloy alam kung ano uunahin para akong hinahatak ng bawat store.

Pumasok agad ako ng national bookstore para bumili ng iilan na notebook at ballpen. Nang nakabili na ako nagaaw ang atensyon ko sa isang store. Naalala ko bigla si Blake pansin ko kasi sa kan'ya mahilig siya sa mga long sleeve, hoodie, at plain na t-shirt.

Namili agad ako ng ling sleeve. White na lang bibilhin ko sa kan'ya paniguradong bagay sa kan'ya 'to. Binili ko agad 'yon at sunod kong pinuntahan ang puregold.

Naubusan na ang stock ng pagkain sa bahay. Halos si Lucas at Blake lang ang nakaubos ang kakapal ng mukha may mga bahay naman tapos sa bahay pa namin kumakain. Kumuha agad ako ng pushcart. Puro de-lata, frozen food, gardenia, at snacks.

"Ang dami nito. Kaya ko ba 'to buhatin lahat?" Nagulat ako nang may biglang nagsalita sa likod ko.

"Oo syempre ikaw pa." Paglingon ko nakita ko si Lucas na naka cap na black, white t-shirt, gray na pants, at naka jacket pa nga kulay gray. Wow himala ang simple manamit ng mokong na 'to. Aesthetic kasi manamit ni Lucas.

"Wag mo akong titigan alam kong gwapo ako." Sabi niya at siya nagtulak ng pushcart.

Ang yabang talaga.

"Alam mo ikaw, para kang stalker. Nakakapagtaka ka minsan, kung na saan ako bigla-bigla ka sumusulpot." Mahina siyang tumawa sa akin at napalitan na seryosong mukha. Nagulat ako kasi bigla siyang huminto at tumingin sakin ng seryoso.

Siraulo talaga bigla-bigla nagbabago ang mood.

"Kasalanan 'to ng boyfriend mong kano! Lagi ako tinatawagan na samahan daw kita!" Napangiwi ako sa sinabi niya at inirapan ako ni Lucas.

Love Of Yesterday (COMPLETED)Where stories live. Discover now