21

127 10 0
                                    

ZAMARA'S POV

Amara.

Tumingin ako sa likod ko nagbabakasakaling makita si Blake.

Paano napunta sa kan'ya ito? Bigay 'to sa akin ni papa bago s'ya mawala.

Nabigo ako.

Kahit anino ni Blake hindi ko nakita.

"Pumasok ka na sa loob at magpahinga kana." Lumingon ako sa likod ko dahil may lalaking nagsalita.

Bumungad sa akin si kuya na nakapamulsa habang inaabot ang towel sa akin.

Hindi ko s'ya pinansin at deretsong pumasok sa bahay ramdam kong nakasunod sa akin si kuya. Napahinto ako kasi bigla niyang pinatong yung towel sa balikat ko at bahagya pang tinapik.

Humarap s'ya sa akin at hinawakan ang magkabilaang balikat ko. Bigla akong nagtaka kasi halata sa mata ni kuya na parang may gusto s'yang sabihin sa akin.

"Sige na umakyat ka na sa kwarto mo." Bago siya umakyat papunta sa kwarto niya ginulo niya muna ang buhok ko.

Nakatingin lang ako sa likod ni kuya na papaakyat sa taas.

Gusto ko siyang kausapin pero sa tuwing nakikita ko siya naaalala ko lang lahat. Pinunsan ko muna ang luha ko bago ako umakyat ng kwarto.

—————
Ilang araw na ang lumipas simula no'ng nangyari 'yon. Ang daming nangyari na hindi ko inaasahan. Si kuya napapadalas na wala sa bahay. Si mama sinusubukan akong kausapin to get my attention again. Si Lucas wala ng paramdam. At si Blake? Hindi na rin nagparamdam sa akin.

"Zam? Kanina mo pa tinitignan 'yang panyo na 'yan. Ano bang meron d'yan?" Akmang hahablutin sa akin ni Alexis bigla kong tinago ang panyong binigay sa akin ni Blake.

Nandito ako ngayon sa school at pauwi na.

Hindi pumasok si Blake. No calls and no text kaya nagtataka ako. Never n'ya itong ginawa. Ano kaya nangyari sa kup*l na 'yon?

"Ang damot mo na Zamara!" Tinignan ko ng masama si Alexis.

Nag iinarte na namang 'tong babaeng 'to inirapan ako ni Alexis.

"Puro ka kasi bebetime kaya wala ka ng alam sa nangyayari." Natatawa kong sabi sa kan'ya.

Umupo muna kami sa waiting sched hinihintay kasi ni Alexis yung boyfriend niya.

"Hoy grabi ka naman! Busy lang sa school alam mo namang malapit na tayo gumaraduate kaya sobrang busy." Paliwanag n'ya.

Oo nga pala malapit na graduation.

Nakakabadtrip nga lang itong isa naming minor subject may project kami kailangan ipasa sa kan'ya hindi naman konektado sa subject n'ya.

Nakakaloka ka partner ko si Blake. May matatapos kaya kami? Argh kainis!

"Alam mo Zamara, kailangan mo na ata pumunta sa hospital." Ngiwi niyang sabi at pinagmamasdan ang mukha ko.

"Bakit?" Tanong ko sa kan'ya.

"Lately kasi lagi kng tulala kinakausap sarili mo. What if? W-what if baliw ka na?" Napaawang ang labi ko sa sinabi niya.

"Alam mo ikaw? Ikaw ang kailangan  itapon sa mental hospital." Natawa kaming pareho.

Yan ang bonding ng mag best friend.

"Pero to be honest. I know that you're not okay. I know you, Zamara. I'm just here. Just call me anytime if you want my shoulder." Napangiti ako sa sinabi ni Alexis.

Love Of Yesterday (COMPLETED)Where stories live. Discover now