15

144 13 0
                                    

ZAMARA'S POV

Naknampotch* ano raw?! Bakit iba ang dating sa'kin non? Naknam Zamara.

"H-hindi kita tinitignan ha!" Nakakahiya! Hindi ko magawang tignan si Blake sa kahihiyan ko.

Napatingin lang talaga ako sa kan'ya hindi ko naman ginusto tignan s'ya kaso ngayon ko lang talaga natitigan nang sobrang tagal. Pero oo aminado ako ang gwapo n'ya.

"Kaya pala halos matunaw ako sa tingin mo." Tinignan ko s'ya ng masama iniinis ako nitong lalaking ito at talaga nginitian pa ako.

"A-aray!" Mabilis akong tumakbo nang sipain ko s'ya sa binti n'ya sabay pasok sa gate namin.

Naririnig ko si Blake na tinatawag ako hindi ko na ginawang pansinin s'ya st dere-deretso lang sa bahay.

Napahinto ako habang hawak ang door knob.

"Hindi kita maitindihan Zavier." Kunot noo ako at dinikit ang tenga ko sa pintuan.

Parang ang seryoso ni Lucas, ano kaya meron?

"Wala, basta wala kang narinig." Seryosong sabi ni kuya.

Ba't ang seryoso ng dalawa?

"Wala nga akong narinig pero anong ibig sabihin mo d'yan?" Sabi ni Lucas na parang nagtataka na ewan.

Hindi ko na natiis pumasok na agad ako. Tumingin sila sa akin at tinignan ako ng masama.

"At bakit ngayon ka lang?" Aba? Ang ganda naman ng salubong ng pinakamamahal kong kapatid.

"Sino kaya 'yong hindi ako pinasakay sa kotse? At hinayaan akong maglakad kasama si Blak-"

"Boyfriend mo naman 'yon." Irap ni kuya sa akin. Tumabi ako kay Lucas na naka upo sa sofa.

"At isa pa gusto naman ni Blake na maglakad daw kayo." Walang ganang sabi ni kuya napatingin ako kay Lucas na nakanguso.

"Ano pinag uusapan n'yo?" Tanong ko sa kanila.

Nagkatinginan si kuya at Lucas parang nag uusap sa tingin kung ano sasabihin.

"Kuya mo kasi." Napatingin ako kay lucas at hinihintay ang sunod na sasabihin.

Hindi ako makapaniwala sa sunod na sinabi ni Lucas.

"May girlfriend na raw kuya mo." Nanlaki ang mata ni kuya sa sinabi ni Lucas.

"H-hoy!"

"A-aray! T-teka totoo naman!"

Titig na titig ako sa dalawa, si kuya hinahampas si Lucas ng unan habang si Lucas naman panay ilag.

"Seryoso?" Hindi ako makapaniwala kasi si kuys yung tipong lalaki na hindi interesado sa mga babae. May kumausap nga lang babae kulang na lang patay*n sa isip n'ya.

Napahinto ang dalawa at tinignan ako. Tumikhim si kuya at umupo sa harapan namin.

"Kilala mo ako." Ano ba namang lalaking to ang sungit agad.

"Stay strong!" Tumayo ako at nagmamadaling umakyat papunta sa kwarto ko.

Nan umaakyat ako panay sigaw ni kuya sa pangalan ko. Daig pa ni kuya si mama kung magalit. Minsan iniisip ko s'ya yung babae sa amin. Habang inaayos ko yung gamit ko nang biglang nag ring ang phone ko.

Agad akong napatingin sa cellphone ko na nakalapag sa kama ko. Kunot noo kong kinuha ito at nilagay sa mini table na nasa gilid ng kama ko. Hindi ko ns nagawang tignan kung sino ba nag text sa akin. Sobrang pagod ako ngayong araw at bagsak kong hiniga ang katawan ko sa kama ko.

---

Nagising ako sa sigawan mula sa baba. Napatingin ako sa relos ko.

10:00 am.

Bumangon ako sa pagkakahiga ko sa mata at dumeretso sa cr para mag toothbrush at maghilamos, May pasok na pala.

Pagkababa ko naabutan ko si Lucas at si kuya na hindi mapinta ang mukha. Anong nangyari sa dalawang 'to? Nag away ba? Nakaupo si Lucas sa sofa habang si kuya naghahain ng pagkain namin. Nakatingin lang si Lucas sa tv na hindi naman naka bukas at naka cross arm s'ya na nakasimangot.

Ano 'to? Bitbit n'ya ang mundo ngayon? Hindi ako pinapansin ng dalawa kahit dumaan ako sa gawi ni Lucas papunta sa kusina namin umupo ako habang titig na titig kay kuya.

"Anong nangyari?" Tanong ko sa kanila.

"Wala!" Sabay nilang sigaw na kinagulat ko.

Loko pala 'tong dalawang 'to. Hindi ko na lang sila pinansin baka may pinag awayan lang sila o pinagtalunan. Nang matapos na ako Kumain dumeretso ako sa kwarto ko para maligo.

Maaga akong nagising mukhang hindi ako mala-late ngayon. Nang matapos na ako maligo at mag asikaso bumaba na agad ako. Hinanap agad ng dalawa kong mata si kuya at si mama. Walang ka tao tao kasi rito sa baba. Mukhang umalis sila. Siguro si Lucas nauna ng pumasok.

Kinuha ko ang susi ng bahay sa likod ng pintuan namin. Nang ma-lock ko na ang bahay nag mamadali akong naglakad.

"Hoy!"

"Ay potch*!"

Tumingin ako sa likod ko at bumungad sa akin ang pagmumukha ni Blake na tawang-tawa.

"Nakakakatawa?" Irita kong sabi.

"Obvious naman 'di ba?" Napa awang ang labi ko sa sagot n'ya. Ang lakas naman pala ng tama nito.

"Ano bang ginagawa mo rito?!" Umaktong nag iisip si Blake habang nakatingin pa sa langit.

"Why don't you try checking your cellphone? I tried to contact you last night. I think you fell asleep, that's why you didn't respond to my calls and messages." Bigla kong naalala bago ako matulog nag ring yung cellphone ko hindi ko lang pinansin sa sobrang pagod ko kagabi.

"Ikaw pala 'yon? Hindi ko kasi pinansin yung nag text sa akin kagabi." Ginulo ni Blake ang buhok ko. Nagulat s'ya nang bigla kong hinawi ang kamay niya.

Gagawin pa akong aso n'ya. Nauna na akong naglakad sa kan'ya. Pagtingin ko sa relos ko 12:10 pm, maaga pa naman. Sa wakas hindi ako na late ngayon.

Grabi ang init tirik na tirik yung araw ngayon imbes papasok akong fresh papasok akong sunog na.

Napa angat ang tingin ko nang biglang may nag payong sa akin nakita ko agad si Blake na pinapayungan ako habang nakatingin siya sa kalsada at ang kaliwa nyang kamay naka pamulsa.

"Baka sabihin mo na naman hindi mo ako tinitignan." Napa iwas ako ng tingin sa sinabi n'ya. Kahit kailan ka talaga Zamara! Wala ka ng ginawang tama!

Buti na lang talaga malapit na kami sa school mababawasan na ang kahihiyan ko sa kasama ko.

"Zamara sandali lang!" Sigaw ni Blake sa akin nang nauna na akong pumasok sa school namin.

Sinadya ko talaga mauna sa kan'ya para itong kabang nararamdaman ko mabawasan man lang. Kapag kasama ko si Blake talaga!

Pag pasok ko sa room namin medyo madami na ang mga classmate ko sa room. Agad akong umupo sa pinaka dulo yung walang tao para tahimik man lang buhay ko rito. Maya-maya pa biglang umingay ang mga kaklase ko.

"Kaklase ba natin yan?!"

"Sino yan?!"

"Teka parang kilala ko yan!"

"Hindi ka s'ya yung?!"

"Hala!"

Naagaw ang atensyon ko nang may biglang tumabi sa akin.

Si Blake?

Bigla n'ya akong kinindatan nang maibaba n'ya ang bag niya.

Argh! Kaklase ko nga pala s'ya!!

Love Of Yesterday (COMPLETED)Where stories live. Discover now