22

122 11 0
                                    

Kanina pa ako paikot-ikot sa higaan ko. Humiga ako nang maayos at tumingin sa kisame.

There's nothing better than yesterday. I love you more than you love me.

There's nothing better than yesterday. I love you more than you love me.

There's nothing better than yesterday. I love you more than you love me.

Argh! Kanina pa umeecho sa utak ko yung sinabi ni Blake kanina. Gan'to ba talaga kapag inlove?

I really love you, Blake.

———

Nagising ako sa sinag ng araw mula sa bintana tumingin ako sa wrist watch ko.

7:00 am.

Maaga pa pala matutulog na lang ulit ako. Hinila ko ang kumot ko at ang unan ko. Napabangon ako sa wala sa oras dahil naalala ko bigla na sa monday pala pasahan ng project namin.

Jusmeyo naman.

Nakakainis talaga itong minor subject namin.

Wala na akong nagawa kun'di mag asikaso. Naligo agad ako pagkatapos ko maligo bumaba na agad ako naabutan ko si mama papuntang sala at umupo sa sofa.

Nakakapagtaka kasi ang seryoso ni mama. Agad akong lumapit sa kan'ya at tumabi sa kan'ya pero hindi niya ako napansin. Tumingin ako sa bawat sulok ng bahay namin nagbabakasakaling makita si kuya.

Siguro wala na naman s'ya. Tuwing pag-gising ko wala na s'ya kahit umuwi ako galing school wala rin s'ya.

"Ma..." Lumingon si mama sa akin at nginitian ako pero bakas sa mukha n'ya ang lungkot.

"M-may nangyari po ba?" Nagtataka kong tanong sa kan'ya.

Kinakabahan ako sa isasagot ni mama. Nakahinga ako nang maluwag dahil umiling sa akin si mama.

"M-ma sorry po." Yumuko ako sa kan'ya.

Ginulo ni mama ang buhok ko at hinawakan ang baba ko at inangat ang tingin ko.

"Naiintindihan kita, naiintindihan ka namin ng kuya mo." Pinipigilan kong 'wag umiyak sa harapan ni mama.

"Mali namin na hindi namin pinaalam sa'yo." Hinawakan ni mama ang kaliwa kong pisnge.

"Mahal ka talaga ng kuya mo." Natatawa niyang sabi.

"Ako? Hindi mo mahal ma?" Natawa si mama sa biro ko.

Niyakap ko si mama sa bewang nang sobrang higpit na parang wala ng bukas.

"Sorry kung napabayaan kita simula ng mawala ang papa at ate mo. Babawi si mama sa'yo nak." Naramdaman kong niyakap ako ni mama.

Umayos ako ng upo at tumingin sa kan'ya.

"M-may hindi pa ba akong walang alam?" Tanong ko.

Nag isip nang malalim si mama dahil sa tanong ko.

"Did you still remember Styzy?" Kumunot noo ako sa tanong ni mama.

Ano naman meron sa impaktang 'yon? Tumango ako kay mama.

Halos mahulog na ako sa kinauupuan ko dahil sa sunod na sinabi ni mama.

"Ex girlfriend ni Xavier yon. Actually nakaraan ko lang nalaman. Ang pagkakaalam ko obsessed na obsessed yon sa kuya mo." Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni mama.

Ex ni kuya? Tapos baliw na baliw kay Lucas? Wtf.

Baliw na babae.

May kinuha si mama sa likod n'ya at inabot sa akin ang isang panyo.

Love Of Yesterday (COMPLETED)Where stories live. Discover now