7

205 15 0
                                    

ZAMARA'S POV

Pag angat ng tingin ko nakita ko si Blake na naka earphone habang may hawak ng libro pinagsasabi nito. Biglang may naisip akong kalokohan. Tinignan ko si Blake na tahimik na nagbabasa. Unti-unti akong lumapit sa kan'ya nang halos magdikit na kaming dalawa tinignan niya ako at nagbasa ulit.

Pangit ka bonding naman nito.

"Paano mo pala nalaman number ko?" Tanong ko sa kan'ya. Lilibangin ko muna 'to baka mahalatang may balak ako. Huminto siya sa pagbabasa at tinignan ulit ako.

"Sa id mo." Nagtaka ako sa sinabi niya. Id ko? Bigla kong naalala na hindi pala number ni mama nailagay ko ron.

"Tang* ka talaga." Tinaasan ko ng kilay si Blake. Ito na naman kaming dalawa. Ano bang kinain nito ba't lagi akong tinatawag na tang*.

Sa sobrang pagmamadali ko kanina hindi ko napansin na lace lang ng id ko yung binalik nitong Blake na 'to. Pinagmamasdan ko nang mabuti yung bag n'ya kaso wala akong nakitang id. Mukhang binulsa pa ata nito.

Nagulat ako sa ginawa ni Blake. Bigla niya akong sinandal sa pader at hinawakan ang dalawa kong kamay. Mas lalo akong nagulat at nanlaki ang mata ko nang bigla nyang dinampi ang labi niya sa labi ko.

Hindi ako makagalaw ni hindi ko siya maitulak sa ginawa niya. Kitang-kita ko ang mukha ni Blake na nakapikit pa siya. Hinapit niya ang bewang ko. Unting-unti inalis ni Blake ang labi niya sa labi ko at hinalikan pa ako sa noo.

Zamara galaw-galaw.

"You're mine now." Ngiti niyang sabi sa akin. Bago siya umakyat iniwan niya ang id ko sa gilid at nagawa niya pang pitikin ang noo ko.

Napahawak ako sa labi ko. First kiss ko 'yon! Hindi, mali 'to! Bakit wala man lang akong ginawa? Hindi ko man lang naitulak o matadyakan?! Ano Zamara rumupok kay Blake? Napahinto ako at napa angat ang tingin ko nang tinawag ako ng kaklase ko.

"Zamara pwede kana pumasok." Sabi ng president namin nang umakyat na ang president namin napasigaw ako sa inis.

"Argh! Kainis! Humanda ka sa'kin Blake!!!" Nag mamadali akong umakyat para hanapin si Blake. Kaso kahit anino niya hindi ko na nakita.

Walang gana akong pumasok sa room namin wala na akong naabutan na teacher dahil second subject na namin.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kanina. Hinalikan ako ni Blake? Bakit? Anong dahilan? Nakakainis talaga dagdag isipin na naman. Anong klseng buhay 'to. Ito ba yung sisira ng buhay ko?

"A-ano ba!" Halos kumawala na yung kaluluwa ko nang gulatin ako ni Lucas.

"Kanina pa kasi kita kinakausap. Hindi mo ako pinapansin." Napairap ako sa sinabi ni Lucas. Isa pa 'to. Literal na panira ng buhay.

Kaklase ko lang pala si Lucas sa math subject.

"Staka ba't hawak ka nang hawak sa labi mo?" Taka niyang tanong sa akin.

Mabilis kong tinanggal ang kamay ko at hindi siya pinansin. Baka isumbong pa ako kay kuya. Napaka sumbungero pa naman nito.

"Wag kang mag alala hindi ko sasabihin kay Zavier yung nakita ko sa hagdanan." Bigla ako namula sa narinig ko kay Lucas. Mabilis kong tinapak ang bibig ni Lucas baka may masabi pang hindi ko ikakatuwa.

"Hoy wala kang sasabihin kay kuya! Staka itikom mo na lang bibig mo sa nakita mo! Kapag sinabi mo talaga kay kuya na hinalikan ako ng lalaking 'yon humanda ka talaga sakin!" Inis kong sabi kay Lucas tinanggal niya ang kamay ko na naka takip sa bibig niya.

"Wala naman talaga ako nakita." Seryosong sabi ni Lucas. Napahinto ako sa narinig ko. Napaka tang* mo talaga Zamara na trap ako ron ha?

"Anyways, thanks for the additional information. Dagdag sumbong talaga kay Zavier." Natatawa niyang sabi sa'kin at inakbayan ako.

Nakakainis talaga itong si Lucas. Ubos na ubos na pasensya ko sa kan'ya. Inapakan ko nang madiin ang paa ni Lucas.

"A-aray–" Hindi na niya itinuloy ang pag sigaw ni Lucas nang biglang dumating si ma'am Reyes. Mabilis na hinawakan ni Lucas ang paa na inapakan ko. Nginisian ko lang siya at nagsimula na akong makinig kay ma'am.

"Napaka sadisma mong babae ka." Madiin na mahinang sabi ni Lucas sa akin.

"Good afternoon Class. Where's Ms. Lee?" Tanong ni ma'am sa amin. Ano kaya kailangan ni ma'am sa akin? Nagtaas ako ng kamay. Sinenyasan ako ni ma'am sa labas para kausapin.

"Iyan lagot maga-guidance ka na." Asar sa'kin ni Lucas. Wala bang araw na hindi ako babanasin ng lalaking ito?

Nang makalabas na ako ng room agad akong nagtanong kay ma'am.

"Bakit po ma'am?" Tanong ko kay ma'am. Medyo kinakabahan na ako nito. What if may nakakita samin ni Blake. Nakakaurat kasi si Blake!

"Pinapasabi sa'kin ng first subject n'yo na ikaw pati 'yong lalaking na late rin kanina 'yon raw yung magiging ka-partner mo." Nagtaka ako sa sinabi ni ma'am.

Sinong na late?

"Para sa project n'yo raw 'yon. I guess his name is Alvero." Sabi sa'kin ni ma'am at biglang tumabi si Blake sa gilid ni ma'am.

Kumaway siya sa akin at kinindatan niya ako mabilis akong umiwas sa ginawa ni Blake. Nagagawa niya pa akong ngitian matapos niya akong halikan?

"Ito iha." Sabi ni ma'am at tinuro si Blake.

"After ng quiz natin pwede ka na pumunta sa library." Sabi ni ma'am sa akin at nauna ng pumasok sa room.

Binalingan ko ng tingin si Blake na nakangiti pa rin sa akin. Dinuro ko siya habang pinanlalakihan ng mata.

"Umayos ka!" Inis kong sabi at nag salute pa sa akin. Ito ang literal na abnormal e.

"Yes ma'am!" Sabi ni Blake. Inirapan ko siya at pumasok sa room.

Mabilis akong umupo sa tabi ni Lucas. May quiz? Hindi man lang n'ya sinabi kahapon na mag quiz para naman maka pag review kami.

"Get one whole sheet of paper." Sabi ni ma'am sa amin. Nag simulang mag ingay ang mga kaklase ko.

"May quiz?"

"Lah?! Wala naman sinabi si ma'am kahapon ha?"

"Yan ang surprise quiz."

"Ano ba 'yan hindi handa utak ko!"

"Malas naman oh!"

"Hoy pakopya!"

Iilan na sabi ng mga kaklase ko. Wala akong ganang kumuha ng papel at ballpen. Na agaw atensyon ko nang makita ko si Lucas na natutulog. Tumingin muna ako sa mga kaklase ko pati kay ma'am kung nakatingin ba sa gawi namin. Binulungan ko si Lucas.

"Tawag ka ni ma'am, Lucas." Mahinang bulong ko sa kan'ya. Bigla siyang napatayo at sumigaw.

"Bakit po ma'am?" Mamaos maos na sabi ni Lucas kay ma'am. Halos lahat ng mga kaklase ko nagulat sa biglaang pagsigaw ni Lucas. Kitang-kita sa reaction ni ma'am ang inis. Nag sitawanan ang mga kaklase ko maski ako sa ginawa ni Lucas. Ganito pala 'to kapag ginigising.

"Anong bakit po ma'am? Gusto mo automatic zero ka sa quiz mr. Takashi?!" Napakamot sa batok si Lucas nang sigawan siya ni ma'am. Tinignan ako nang masama ni Lucas habang umuupo.

"Susumbong talaga kita." Asar sa'kin ni Lucas hindi ko na lang siya pinansin at nagsimula na mag sagot sng quiz.

Maya-maya pa natapos ko na rin sagutan. Napangiwi ako nang makitang tulog na naman si Lucas. Kapag ito nahuli talaga ni ma'am lagot talaga malala. Inayos ko na ang gamit ko at inabot na kay ma'am ang papel ko.

"Sige na pumunta ka na ng library. Excuse ka na muna sa subject ko." Sabi sakin ni ma'am.

Nag pa alam na ako nang maayos kay ma'am Reyes pag labas na pag labas ko naabutan ko si Blake na nakasandal sa pader habang nakapamulsa.

Tinignan niya ako sabay ngiti. Mabilis akong umiwas ng tingin at nauna na mag lakad.

Love Of Yesterday (COMPLETED)Where stories live. Discover now