14

168 15 0
                                    

ZAMARA'S POV

Inaya ko muna sila manood ng isang movie bago kami umalis. Mahaba pa naman ang oras.

"Wag horror movies Zamara may bata." Paalala sa akin ni kuya at tumabi kay Blake.

"Uy popcorn!" Inagaw ni Lucas ang hawak ni kuya na bowl na puno ng popcorn.

Ang saya ni Noah kay Lucas. Mukha ba namang clown 'yan si Lucas. Nagtatawanan ang dalawa habang kumakain n popcorn.

"Noah, What do you want to watch?" Tanong ni Lucas kay Noah. Nilunok muna ni Noah ang kinakain n'yang popcorn bago sumagot.

"The Black Phone po!" Nagkatinginan kami ni kuya. Kasi napanood na namin 'yon.

Last week nga lang namin napanood 'yon sobrang ganda talaga non.

"Actually yon kasi pinapanood ni Noah bago kami umalis ng bahay hindi n'ya lang natapos." Paliwanag ni Blake sa amin.

"Don't worry po! I love watching horror movies!" Masayang sabi ni Noah habang nakaangat ang kanang kamay n'ya. Nakikain na rin ako ng popcorn habang tinitignan si kuya at Blake na nag uusap.

Ayaw kasi pumayag ni kuya na panoorin ng horror movie si Noah kasi bata pa raw.

"Ilang taon na ba 'yan?" Nabulunan ako sa sinagot ni Blake kay kuya.

"10."

"A-ano?!" Binigyan ako ng tubig ni Blake halos maubo-ubo na ako.

"Ang oa mo naman Zamara." Iniripan ako ni kuya.

Baklang 'to.

"I thought Noah was 7 years old." Sabi ko nang matapos kong inumin ang tubig na inabot sa akin ni Blake.

"A lot of people have always said that I am only 7 years old." Hagikgik ni Noah sa amin. Pinagbigyan na ni kuya si Noah na panoorin ang The black phone.

Tutok na tutok sila sa tv. Si kuya na bored na bored ang mukha, si Blake na naka palumbaba, si Noah na nakahiga sa lap ni Lucas, at si Lucas na nakaalalay kay Noah.

Na saan pala si mama? Kanina pa kasi kami nandito sa sala ni hindi man lang gumawi si mama rito. Maya-maya pa dumating na si mama. Nagtaka ako nang tawagin ni mama si kuya at si Lucas.

Inalalayan ni Noah ang ulo ni Noah. Kumuha ako ng unan para kay Noah nang tumayo si Lucas.  Nag pa alam sa amin ang dalawa dahil bibili na muna sila ng mga snacks namin.

"Oh nakatulog na si Noah." Napatingin ako kay Noah. Sinabihan ako ni mama na dalhin ko muna sa kwarto ko.

Naku, tulog na nga. Akmang bubuhatin ko si Noah para dalhin sa kwarto ko biglang hinawakan ni Blake ang kamay ko at sinabihan ako na siya na raw magbubuhat.

Nauna na ako maglakad habang nakasunod sa akin si Blake. Binuksan ko agad ang pintuan ng kwarto ko at pinapasok si Blake. Dahan-dahan hiniga ni Blake si Noah sa kama.

Nakatingin lang ako sa kan'ya habang kinukumutan si Noah. Humarap si Blake sa akin nakita ko ang mukha niyang nagtataka. Bakit? Masama bang tignan s'ya? Lumapit ako sa kanila para lagyan ng unan si Noah sa gilid n'ya baka kasi mahulog.

Mabilis akong nasalo ni Blake kung kailan malapit na ako sa kanila bigla akong natalisod. Ang malas ko naman!

Nahulog kami pareho ni Blake sa kama na sa ibabaw na n'ya ako ngayon habang hawak n'ya ang bewang ko. Infairness ang gwapo pala ni Blake ang ganda ng mata ang pungay.

"Are you alright?" Tanong ni blake sa akin. Tumikhim ako at umalis sa ibabaw ni Blake.

Potch* nakakahiya 'yon! Ano ba naman Zamara! Argh! Bus*t!

Love Of Yesterday (COMPLETED)Where stories live. Discover now