10

181 15 0
                                    

ZAMARA'S POV

Nangyari ba lahat ng 'yon kagabi? Hindi ko inakala na si mama gustong gusto agad si Blake? Hindi niya nga kilala buong pagkatao ng nilalang na 'yon.  Baka mamaya may masamang balak sa amin? O sa akin? Ni hindi ko nga kilala 'yon tapos bigla kong magiging boyfriend??

"What if?" Tanong ko sa sarili ko. Bigla akong napaupo at niyakap ang sarili ko. Zamara kung ano-ano na iisip mo. Ang dumi ng utak mo!!

"Argh! Kainis!" Halos sabunutan ko na ang buhok at mag pagulong-gulong sa kama.

Naalala ko bigla habang kumakain kami kagabi panay kwentuhan nina mama at ni Blake. Ang kapal ng mukha niya! Para kunin ang loob ng nanay ko! Kasinungalingan na girlfriend niya ako?! Kalokohan naman! Ano akala niya sakin uto-uto?!

"Bakit kasi ganon?!" Naiirita kong sabi habang yakap-yakap ang unan ko.

"Boyfriend pa. Ngayon para kang timang d'yan. Yan! Yan napapala ng nag boyfriend!! Lalo na't hindi sinabi sakin?!" Tinakapan ko ang dalawa kong tenga sa biglang pag pasok ni kuya sa kwarto ko sabay sermon sa akin.

Tinignan ko si kuya na nakasandal sa pintuan ng kwarto ko at naka apron pa. Mukhang magluluto to. Paniguradong hindi masarap galit ba naman.

Isa pa 'to. Kagabi ilang beses ko tinanggi sa kanilang lahat na hindi ko nga boyfriend si Blake at kaklase ko lang.

Kung hindi ko pa naging partner si Blake kahapon sa first subject namin hindi ko malalaman na kaklase ko siya. Malapit na graduation ngayon lang lumitaw.

"Hindi ko nga siya boyfriend!" Tinignan ako ng masama ni kuya dahil sa sinabi ko.

"Eh ano lang? FAKE BOYFRIEND?" Talagang diin na diin ang pagsabi ni kuya sa part ng 'Fake boyfriend'.

Kahit anong sabi ko talaga hindi siya naniniwala sakin, lahat sila.

"Na saan si Lucas?" Kumunot noo si kuya sa tanong ko.

Kasalanan 'to ni Lucas lahat napaka sumbungero. Ano siya bata?

"I'm here my ai!" Nagpintig ang tenga ko nang marinig ko ang boses ni Lucas nang dumungaw sa kwarto ko at pinakita na naman niya ang ngiti niya na halos mawala na ang mata.

"T-teka!" Sunod-sunod kong binato kay Lucas ang unan ko.

"A-aray! Zavier!" Daing ni Lucas kay kuya kasi bigla ba naman siyang piningot sa tenga.

"Akala ko ba magkakampi tayo rito?!" Reklamo ni Lucas pa simple akong ngumiti sa ginawa ni kuya. Mukhang bawi na agad ako.

"Oo mag kakampi tayo, pero nang tinawag mo kapatid ko ng my ai parang gusto kita itapon sa Japan!" Hila-hila ni kuya ang tenga ni Lucas paalis sa kwarto ko. Rinig na rinig ko pa rin ang sigaw ni Lucas.

Iyan napapala sa mga sumbungero na epal, papansin, at bida bida. Nasa kan'ya na talaga lahat. Wala akong ganang bumangon sa sa kama para mag toothbrush at maghilamos. Pag katapos ko ay bumaba agad ako. Pagkababa nang pagkababa ko nakita ko si kuya na nagluluto habang si Lucas pinapanood lang si kuya.

Biglang naningkit ang mata ko. Natuwa ata si Lucas dito kumain at ginawa ring tambayan itong bahay namin. Lumapit ako sa kusina at umupo habang pinapanood lang silang dalawa.

"Alam mo Lucas kung tinulungan mo ako baka kanina pa ako tapos." Walang ganang sabi ni kuya habang nag hihiwa ng bawang. Tinawanan lang siya ni Lucas.

"Kaya mo na 'yan, malaki ka na Zavier." Sabi ni Lucas.

"Aish!" Napasigaw si Lucas nang pagharap niya nakita niya ako. Palihim akong ngumiti kasi si Lucas hawak-hawak ang dibdib niya talagang nagulat.

"Ano ba naman 'to si Zamara! Nakakagulat!" Kulang na lang mahimatay na si Lucas.

Maya-maya pa natapos na si kuya magluto. Nilapag lahat ni kuya sa lamesa ang mga niluto niya. Nag sangag lang siya at nag prito ng ham, hotdog at itlog.

Habang kumakain kami napansin ko na wala si mama. Na saan na naman kaya si mama?

"Si mama?" Tinignan nila akong dalawa sa tanong ko. Uminom muna si kuya ng tubig bago nagsalita.

"Pupunta raw siya sa kaibigan niya." Natigil ako sa pagsubo ng kinakain ko sa narinig ko.

Simulang umuwi si kuya rito napansin kong hindi na siya umuuwi ng umaga tipong sumisilip na 'yong araw. Pansin ko rin na hindi na siya nagsusugal talagang nililibang niya sarili niya.

"Buti kuya umuwi kana rito tignan mo si mama ang laki ng pinagbago." Masaya kong sabi. Nagtinginan si Lucas at kuya.

May nasabi ba akong mali?

"Bakit?" Nagtataka kong tanong. Bigla kasing nalungkot mukha ni kuya.

"Hindi pa ako literal na uuwi rito Zamara." Kumunot noo ako sa sinabi niya.

Natatandaan ko bago siya umuwi sa Japan sabi niya sa'kin oras na umuwi siya sa amin. Hindi na siya babalik sa Japan.

"Nag aaral pa ako ron at kailangan ako ng tita natin. Siya ang nag papaaral sating dalawa." Nilapitan ako ni kuya at ginulo ang buhok ko.

Nakaramdam ako ng lungkot. Hindi kasi taon-taon umuuwi si kuya rito. Kahit sa video call or call madalang lang dahil na rin sa schedule naming dalawa.

"Kaya ako umuwi rito para tignan kayong dalawa ni mama kung ayos lang ba kayo rito." Nginitian ako ni kuya at tumabi sa'kin.

"Uuwi ka rin?" Halos manlumo ako nang tumango si kuya sa'kin.

"Wag ka mag alala, hindi na babalik yung dating mama natin na halos hindi na natin makilala." Hindi ito yung pinoproblema ko.

Ang gusto ko lang magkasama na kaming tatlo. Ang hirap kapag ang layo samin ni kuya. Para akong nawalan ng kalahating ako. Hindi ko nagawang itanong si kuya kung kailan siya uuwi. Parang ayoko marinig maganda rin na hindi ko na lang tinanong.

"Sus sweet ng dalawa tapos mamaya mag aaway." Tukso ni Lucas samin.

"Hoy ikaw 'wag kang umepal sa moment naming dalawa. Gusto mong isama kitang ibalik sa Japan?" Mabilis umiling si Lucas sa sinabi ni Lucas.

"A-ayoko ha!" Tanggi ni Lucas.

"Hindi porket dito nakatira lola't lolo mo." Sabi ni kuya habang nililigpit ang mga pinagkainan namin.

"Ikaw mag hugas Lucas, mas masarap pagkain mo ron kila lola dito ka pa makikikain." Natawa ako ng nag make face si Lucas habang nakatalikod si kuya.

"Eh sa gusto ko makita si Zamara?" Kahit kailan itong si Lucas mapang asar kapag ito na ban sa bahay namin ewan ko na lang.

"Manahimik ka Lucas!" Ayan na galit na si kuya.

Tuwang-tuwa naman si Lucas sa pinaggagawa niya.

"I'm home!" Tumingin kaming tatlo nang marinig namin ang boses ni mama.

"Nag shopping ka mama?" Takang tanong ni kuya habang nakatingin sa hawak ni na mama na paper bag.

"Nilibre lang kasi ako syempre sino bang tatanggi sa libre?" Taray alam ko na kung kanino ako nagmana. Walang iba kundi si mama.

"At sino naman?" Tanong ko sa kan'ya.

"Akala ko po ba pupunta ka sa kaibigan nyo? Bakit sa isang asungot ka sumama?" Iritang sabi ni kuya.

Napatayo ako sa kinauupuan ko nang biglang pumasok si Blake at ang daming bitbit na paper bag. Mukhang sinamahan niya si mama.

Ang kapal talaga ng mukha ni Blake?! Ano 'to goal niya kunin ang loob ni mama?!

Love Of Yesterday (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon