31

107 10 0
                                    

ZAMARA'S POV

Tahimik lang kaming dalawa at pauwi na ng bahay habang itong si Blake hawak-hawak lang yung kamay ko. Maya-maya pa nakarating na rin kami sa tapat ng bahay namin. Binitawan niya ang kamay ko at bigla siyang humarap sa akin at ginulo ang buhok ko sabay ngiti.

Nakangiwi ako sa ginawa niya at bahagyang hinampas ang kamay niya at naunang pumasok ng bahay. Naabutan ko si Noah na natutulog sa sofa habang kinukumutan siya ni Lucas bigla nama siya napatingin sakin nang bigla akong pumasok.

"Buti naman naisipan mo pang umuwi." Mataray niyang sabi.

Wow si Lucas nagtaray.

"Just kidding." Bawi niya nang makita niya na parang nagulat ako.

"Ang tagal niyo Blake nakatulog na lahat-lahat si Noah."

Lumapit si Blake bago niya buhatin si Noah tinapik niya muna si Lucas at nagtangunan silang dalawa.

"Ako na maghahatid sa kanila." Bulong ni Lucas at tumango na lang ako sa kan'ya.

Nang lumabas na sila bagsak akong umupo sa sofa at huminga nang malalim.

B*liw na talaga si Styzy.

Sa sobrang obsessed nakapat*y siya.

"Ang lalim ata ng iniisip mo diyan?" Napalingon ako kay Lucas at sinara niya ang pinto at lumapit sa akin at tumabi.

"Have you found out everything?" Tumango ako sa kan'ya.

Huminga siya nang malalim.

"Buti naman naisipan mong pakinggan si Blake. I know how deeply Blake loves you. Actually, yesterday he told me about what happened. Then he tried to ask me to convince you to talk to him." Sinundan ko siya ng tingin habang kinukuha niya ang black na ling sleeve niya.

"Good night." Hindi na niya ako hinarap tuloy tuloy lang siya maglakad palabas ng bahay. Tumayo ako para I-lock na yung pinto nagulat ako biglang bumukas at dumungaw bigla si Lucas.

"I'm so fvking handsome you know." Hahampasin ko sana si Lucas kaso bigla na siyang tumakbo palabas.

Akala ko kung ano sasabihin yun pala kagwapuhan lang niya. Ang corny talaga ni Lucas ang sarap ibaon ng buhay sa lupa.

Nang na-lock ko na yung pintuan at gate umakyat na agad ako sa kwarto ko.

Humiga muna ako at tulala sa kisame at huminga ng malalim.

"Paano kaya ako magsisimula?" Bulong ko sa sarili ko.

Bumangon ako para maligo para naman kahit papaano lumamig yung pakiramdam ko. Nang natapos na ako maligo nag blower muna ako. Habang nag blower ako biglang tumunog ang phone ko.

"Thank you, good night."

Napangiti ako sa text ni Blake hindi niya talaga nakakalimutan na i-text ako nang ganitong oras.

Kinapa ko muna yung buhok ko kung tuyo na para makatulog na ako. Nakakapagod itong araw na 'to kailangan ko na magpahinga.

-----

"Wake up!" Hinatak ko ang kumot ko at nagtalukbong ako.

"I said wake up!"

Sinong nilalang na 'to at sinira ang umaga ko. Talagang niyuyugyog pa ako para gisingin. Kinuha ko ang unan ko at nilagay sa mukha ko.

"Ah ayaw mo." Rinig kong bulong.

Hindi ko na lang pinansin at pumikit na lang ako aba inaantok pa ako.

Love Of Yesterday (COMPLETED)Where stories live. Discover now