37

136 11 0
                                    

ZAMARA'S POV




10 YEARS LATER

"Mag iingat ka Zamara!" Sigaw ni tita sa akin nang makalabas na ako ng bahay.

"Opo tita!"

Naglalakad ako ngayon papunta sa isang starbucks ininform ako na kailangan nila ako ngayon, yung company pa naman parang bago pa. Hindi pa naman ako late ngayon kaya naglakad na lang ako para naman maka pag exercise ako.

Naka earpods ako para ma relax din yung sarili ko. Habang naglalakad ako nakatingin ako sa mga student na naglalakad yung iba nagtatawanan, yung iba mag-isa lang, yung iba may notebook na binabasa, yung iba may mga mag boyfriend and girlfriend.

Naaalala na naman kita.

Huminga ako nang malalim at naglakad na lang ulit. Nagulat ako nang may biglang may bumunggo sa akin at nahulog ang earpods ko

"ごめんなさい." Malamig niyang sabi sa akin at pinulot ang earpods ko na nahulog at tinignan ako sa mata.

Naiwan akong tulala habang yung lalaki naglakad palayo sa akin.

B-blake?

Nandito si Blake? Bigla ako nakaramdam ng tuwa at hinabol yung lalaking nakabunggo ko. Kasamaang palad hindi ko siya naabutan ang bilis niya maglakad.

Siya ba talaga 'yon? Imposible naman ata 'yon.

Flashback

Bago ko itago ang scrapbook na galing kay Blake pati ang bracelet na binigay niya sa akin nang may nahulog na maliit na papel mula don sa scrapbook.

Japan.

Hah? Kunot noo akong nakatingin sa papel. Anong Japan? Pinagsusulat nito ni Blake? Baliw ata 'yon.

End of flashback.

Hindi kaya? Lumingon ulit ako sa likod ko baka mamaya bigla siyang bumalik kaso wala.

Kahit anino, wala.

Hindi ko na lang pinansin at umupo sa labas ng starbucks meron din kasi sa labas ng starbucks na mga upuan kaya ron na ako pumwesto. Dahil tinatamad pa ako umorder nag cellphone muna ako.

Maya-maya napa angat yung tingin ko kasi may biglang umupo sa harapan ko.

"Mag-isa ka ata?"

T-teka?

"Yeah I am." Tatango tango nyang sabi sa akin.

Si Tristan.

Kuya ni Lucas.

Bakit nandito 'to? Ang pag kakaalam ko nag stay siya sa Philippines.

"Lagi kitang nakikitang mag-isa."

"Palagi kang sumusulpot."

Natigilan kami saglit nan sabay kami mag-salita.

Umirap siya sa hangin at inabot sakin ang coffee sungit nito.

"What's new?" Tanong ni Tristan sa'kin.

Himala nangamusta 'to?

"Consultant manager na at naka pagpatayo na rin ako ng restaurant ko."

"Ikaw ba?" Tanong ko sa kan'ya.

Tumingin ako sa kung saan si Tristan nagturo.

Ah siya may ari nitong starbucks.

Hindi talaga na siya may ari nito pano ba naman naka apron mukha lang siyang nagtatrabaho rito.

"No'ng umalis ako nasa Pilipinas ka ha? Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kan'ya at ininom yung kapeng binigay niya.

Love Of Yesterday (COMPLETED)Where stories live. Discover now