5

240 18 0
                                    

ZAMARA'S POV

"Actually boyfriend ko si Zavier." Sabi ni Lucas sakin. Nabuga ko ang kinakain ko sa mukha ni Lucas.

Seryoso ba?? Bakit?? Paano?? Napatayo ako sa kinauupuan ko habang si kuya gulat na gulat sa nangyari.

"K-kuya? T-totoo?" Hindi pa rin ako mapakaniwala sa mga naririnig ko ngayon.

Napatakip ako sa bibig ko nang kumuha si kuya ng tissue at pinunasan ang mukha ni Lucas at tinanggal 'yung mga kanin sa damit niya. So totoo nga?

Napaupo ulit ako sa kilig. Hindi ko alam, pero nangingibabaw kilig ko sa kanila. Nangalumbaba ako habang titig na titig sa kanila.

"Pasensya ka na sa kapatid ko gan'yan talaga 'yan kapag nakakakita ng gwapo lalo na kapag ako." Wala na, nawala na kilig ko. May humangin na naman nang sobrang lakas. Napapikit ako sa ginawa ni kuya sa'kin.

"Aray naman!" Sigaw ko habang sapo-sapo ko ang noo ko. Pinitik ba naman ako sa noo nang malakas.

Tinignan ko sila ng masama nang tumawa silang dalawa na halos maubusan na ng hininga.

"Anong nakakatawa?" Inis kong tanong sa kanila na mas lalong kinatawa nilang dalawa.

"Uto-uto pala 'tong kapatid mo, Zavier." Natatawang sabi ni Lucas.

Ano raw? Ako uto-uto? Tumayo ako sa harapan nilang dalawa.

"Hoy ikaw ayusin mo pananalita mo. Tandaan mo kapatid ako ng boyfriend mo." Sabi ko sa kanya habang nakataas ang kilay ko at nakapamewang.

Mas lalo silang natawa sa inasta ko. Nagsisimula na naman kumulo dugo ko nito.

"Zamara binibiro ka lang namin ni Lucas." Natatawang sabi ni kuya. Walang gana akong napaupo habang nakatingin sa kanila.

Bago ako umalis sa kusina inirapan ko na muna sila. Ang lalakas ng tama ng mga 'yon. Parang mga ewan. Umakyat na agad ako para pumunta sa kwarto nang makapagbihis na. Napatingin ako sa kwarto ni mama. Kumusta na kaya si mama? Dahan-dahan kong binuksan ang kwarto ni mama para i-check siya. Sinara ko agad 'yon nang makita kong natutulog na nang mahimbing si mama.  Siguro si kuya nag asikaso.

Bago ako makapasok sa kwarto ko narinig ko si kuya pati si Lucas na nagtatawanan. Magkaibigan nga. Agad kong binaba ang gamit ko sa gilid ng pintuan ng kwarto ko at nagbihis.

Nakakapagod ang araw na 'to at nakakaloka nang malala. May dalawang lalaki ba naman na ginulo bigla araw ko lalo na 'tong Lucas na 'to. Napatingin ako sa cellphone ko na nasa ibabaw ng kama ko nang biglang tumunog. Hindi ko na lang pinansin at lumabas ng kwarto at pumunta sa sala para manood muna ng tv.

Naabutan kong mag isa si Lucas na seryosong nakatingin sa tv. Sa sobrang curious ko tumingin ako sa tv. Hindi naman bukas pero titig na titig siya. Umupo ako sa tabi niya at pinatong ang paa ko sa mini table namin.

"Si kuya?" Tanong ko sa kan'ya. Tinuro niya lang na nasa labas ng bahay si kuya. Umayos ako ng upo at tinignan siya.

"Ayos ka lang? Kanina ang saya-saya mo lang." Sabi ko sa kan'ya. Kinuha ko ang baso sa mini table at uminom habang nakatingin sa kan'ya.

"Ang totoo niyan, gusto ko sana manligaw sayo." Seryosong sabi ni Lucas. Nabuga ko ang iniinom ko sa mukha niya.

Napatigil ako sa sinabi niya. Wait nabinge ata ako. Ano raw? Manliligaw siya? Hinintay ko kung tatawa ba si Lucas pero hindi masyado siyang seryoso.

Napapikit siya dahil sa biglaang pagbuga ko ng tubig. Naalarma ako bigla sa ginawa ko at kinuha ang tissue sa gilid at lumapit sa kan'ya.

Sinimulan ko punasan ang mukha ni Lucas hanggang leeg niya.

"Hala sorry hindi ko sinasadya." Mahina kong sabi. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko dahilan para matigil ko ang pagpupunas sa mukha niya.

Napalunok ako nang titigan niya ako sa mata. Ngayon ko lang siya nakitang seryoso mula kanina. Yung mata niya kanina na halos mawala ngayon biglang naging mapungay at seryosong seryoso.

Mabilis kong binawi ang kamay ko at umayos ng upo nang biglang dumating si kuya.

"Ehem, sweet natin ha?" Sabi ni kuya at gumitgit sa pagitan namin ni Lucas at inakbayan kami pareho.

"Hindi kita sinama para ligawan kapatid ko." Sabi ni kuya at tinitigan si Lucas sa mata. Kahit kailan talaga si kuya.

"Nagbibiro lang ako Zav. Ako manliligaw sa kapatid mo? Tignan mo naman 'yan daig pa lalaki kung kumilos."  Sabi ni Lucas. Ano raw? Aba kanina lang sobrang seryoso niya.

At talagang may kasamang lait pa. Sa dami-daming pwedeng maging kaibigan ni kuya sa Japan bakit ito pang lalaking ito?? Tinanggal ko ang pagkaka akbay ni kuya sa'kin at tumayo sa harap nila habang nakapamewang.

"Hoy ikaw! Anong sabi mo? Ako parang lalaki kumilos?! Ano naman paki mo?!" Inis kong sabi sa kan'ya. Nakakainis 'to.

"At isa pa, kanina ang seryoso mo tapos binawi mo bigla?!" Natigil silang dalawa sa sinabi ko.

"Hoy ikaw rin!" sabi ni kuya habang nakaturo sa'kin tinaasan ko siya ng kilay sa ginawa niya.

"So gusto mo rin?" Sabi ni kuya habang nakataas din ang kilay niya. Bigla kong nararamdaman na parang uminit ang bandang tenga at pisnge ko.

Napatigil ako sa sinabi niya. Teka mali ba sinabi ko? O mali pagkakaitindi nila? Ako? Gusto ko? Mas gugustuhin ko pang tumandang dalaga.

"H-hindi ha!" Tanggi kong sabi.

"Dapat lang." Sabi naman ni kuya habang itong Lucas na 'to nanonood lang samin na akala mo nanonood lang sa tv. Talagang nginangatngat niya pa kuko niya.

Inirapan ko silang dalawa at iniwan sila sa sala para pumasok sa kwarto ko. Sira na ang araw pati na ang gabi.
Pag pasok ko nahagip ko ang mata ko sa cellphone sa ibabaw ng kama ko. Umupo ako sa kama at kinuha ang cellphone ko.

"Sino 'to?" Wala sa sarili kong sabi. May nag text kasi at ang text pa talaga.

"Hoy tanga."

Sino na naman 'tong kutong lupa na 'to. Hindi ko na lang ni replayan at akmang hihiga na ako nang may tumawag sa phone ko.

"Hello, sino 'to?" Tanong ko pero walang sumasagot. Tinanong ko ulit kaso wala pa rin nagsasalita. Baka napagtripan lang ako.

Ibababa ko na sana nang maalala ko bigla 'yong lalaking naghatid sa'kin dito sa bahay namin. Siya lang bukod tanging sinabihan ako ng gano'n.

"Ikaw 'yong lalaking muntik na ako masagasaan?!" Sigaw ko sa kan'ya. Narinig kong tumawa sa kabilang linya ang kausap ko.

"Exactly." Natatawa niyang sabi.

"Pano mo naman nalaman number ko, aber?" Mataray kong sabi sa kan'ya.

"Check your bag." Utos niyang sabi.

"Inuutusan mo ba ako?" Sabi ko sa kan'ya. Ang lakas mang utos nito.

"Halata naman hindi ba?" Pambabara niyang sabi sa'kin. Aba? Attitude itong lalaking 'to.

Hindi na lang ako nakipagtalo sa kan'ya at kinuha ko ang bag ko para i-check.

Ngayon ko lang na pansin na 'yong id ko wala sa bag ko. Pagkakatanda ko kasi nilagay ko siya sa bag ko nong kausap ko yung kaibigan ko.

Nawala ang kaba ko nang makita ko ang id ko.

"Blake Alvero?" Mahina kong sabi nang mabasa ko 'yung name sa id.

"Akala ko sa bag ko nailagay 'yong id ko. Sa bag mo pala hindi ko kasi napansin." Paliwanag niya.

"Take care of my id, see you tomorrow." Sabi niya at binabaan na ako.

Hindi man lang ako pinagsalita. Wala ba siyang manners? May panibago na naman akong iisipin kung paano niya nakuha id ko.

"Zamara wag ng itindihin 'yon." Kinalma ko ang sarili ko.

"Goodnight Zamara my girl!" Huminga ako nang malalim at tinignan nang masama si kuya. Bigla-bigla na lang papasok sa kwarto ko at sumigaw pa talaga.

Love Of Yesterday (COMPLETED)Where stories live. Discover now