25

117 7 0
                                    

ZAMARA'S POV

6:00 pm na kami nakarating sa bahay nila Blake. Ewan ko ba kay Blake bakit ang tagal namin makapunta sa kanila. Parang inikot yung buong mundo.

"Ate Zamara how are you po?" Tanong ni Noah sa akin.

Nasa kusina pala kami ngayon katabi ko si Noah habang si Blake nagluluto.

Infairness hindi lang s'ya puro gwapo lang marunong din naman pala magluto.

Dapat lang.

"Ayos lang naman, nagkasakit ka raw?" Tumango si Noah sa sinabi ko.

"But I'm okay now ate! Si kuya ba naman nag-alaga sa akin e." Tumingin s'ya sa kuya n'ya para i-check kung nakatingin ba sa amin.

Nang mapansin n'ya na busy ang kuya n'ya sa pagluluto dumikit s'ya sa akin at sinenyasan ako yumuko para makabulong s'ya sa akin.

"Kasi ate si kuya sa tuwing nagkakasakit ako nagiging dragon po s'ya. Tapos nilalakihan n'ya ako ng mata kapag ayoko inumin yung gamot. Pangit na nga po s'ya mas lalong pinapangit yung mukha n'ya." Natawa ako bigla sa sinabi ni Noah.

Kahit kailan itong batang to laging inaaway kuya n'ya.

Natahimik bigla s'ya kasi pagharap n'ya nakapamewang si Blake habang nakatingin ng masama kay Noah.

"I didn't say anything." Natawa ako sa ginawa ni Noah kasi bigla siyang umiwas ng tingin kay Blake habang nakanguso.

"Umayos ka matutulog ka nang maaga." Sabi ni Blake at nilapag lahat ng niluto nyang pagkain.

Nanlaki ang mata ni Noah at kumapit sa akin.

"Ate oh!" Nagsusumbong pa nga sa akin.

Dahil mabait ako kakampihan ko si Noah. Inakbayan ko si Noah at tinaasa ng kilay si Blake.

"Bakit mo naman papatulugin nang maaga si Noah? Staka gusto kong kausap si Noah nandito rin naman na ako." Hindi mapinta ang mukha ni Blake habang umuupo at tinignan ulit ng masama sa Noah.

"Umayos ka Blake." Yung masamang tingin ni Blake biglang ngumiti kay Noah.

Pero yung ngiti n'ya labag sa loob. Narinig kong humagikgik si Noah habang dinilaan kuya n'ya.

Parang hindi galing sa sakit si Noah. Ang lakas mang-asar.

Sabagay mana-mana lang.

Ang niluto pala ni Blake ay chop suey.

"Ako muna titikim baka may lason 'yan." Tinaasan ako ng kilay ni Blake.

"Ano tingin mo sa akin papatayin kayo?"

"Yes!" Sigaw ni Noah habang nakataas pa ang kanang kamay n'ya.

"Pag talaga kayong dalawa nagsama parang tatanda ako nang maaga." Bulong ni Blake.

Tumingin ako sa kan'ya kasi hindi ko masyado narinig sinabi n'ya.

"May sinasabi ka ba?" Biglang ngumiti sa akin si Blake.

"Wala noh, oh ito tikman mo na."

Kumuha ng kutsura si Blake at pinatikim sa akin ang niluto n'ya.

Ang sarap ng luto n'ya. Teka? Marunong ba talaga s'ya magluto? Hindi halata sa mukha n'ya para kasi puro papogi lang alam tapos lagi pang natutulog sa room.

Tumingin ulit ako kay Blake na hinihintay ang sasabihin ko.

"Hindi masarap." Nagulat siya sa sinabi ko akmang kukunin yung niluto n'ya para tikman natigilan si Blake dahil bigla akong tumawa.

Love Of Yesterday (COMPLETED)Where stories live. Discover now