Epilogue

232 13 0
                                    

It's been a while since I felt the presence of Blake.

Sa taon na lumipas sa wakas nakita't naramdaman ko ulit siya.

Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko lalo nang araw na bigla niya ako pinayungan.

Sobra akong natutuwa na kinikilig na naiiyak na ewan.

Buset kasi 'to si Blake kahit kailan nakakairita.

Bago ako lumabas ng kwarto naagaw ang atensyon ko sa ibabaw ng table ko. Nakita ko yung bracelet na binigay sa'kin ni Blake.

"Ang tagal kitang tinago ngayon masusuot na kita." Kinuha ko yun at sinuot ko. Lumabas na ako ng bahay at si tita umalis kaya wala siya ngayon.

Na e-excite ako na ewan.

Buset na pakiramdam 'to.

Paiba-iba ampotch*.

Simula no'ng nakita ko siya non walang araw o gabi na hindi ko naaalala yon.

Palaging nag flashback sa utak ko kahit anong gawin ko.

"Tulala tayo ha?" Lumingon ako sa likod ko nang may nagsalita.

Nakita ko agad si Lucas na malawak ang ngiti at si Tristan na walang emosyon ang mukha.

Tumakbo palapit sa akin Lucas na tuwang-tuwa habang si Tristan nakapamulsang palapit sa amin.

"Na saan si Aya?" Napangiwi si Lucas sa akin.

"May gusto ka sa asawa ko noh?" Lah tarantado talaga.

"A-ah! Kuya naman!"

"Mandiri ka sa sinasabi mo." Inirapan lang siya ni Lucas.

"Wala si Aya nandon sa parents niya." Napatango ako sa sinabi ni Lucas.

"So what's now?" Tanong ni Tristan sa amin.

"May dadaanan muna tayo." Sabi ni Lucas.

Naglakad na lang kami kasi sabi niya malapit lang naman daw.

Nasa likod lang namin si Tristan at itong Lucas na 'to kwento nang kwento.

"Ay nga pala, Anong ganap ng buhay mo? Bukod sa kinasal ka." Sabi ko.

"Doctor na." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Lucas.

Ang taray doctor na pala itong kumag na 'to.

Psychiatrist pala kinuha ni Lucas at si Aya naman ay nurse.

"Paano kayo nagkakilala ni Aya?" Tanong ko sa kanya.

"Nagkaayaan kasi non na mag dinner yung mga doctor don sa hospital na naka assign ako pati yung mga nurse tapos na katabi ko siya non kaya yun." Napangiwi ako sa kwento ni Lucas.

"Napaka detelyado grabi." Sarcastic kong sabi habang pumalakpak.

"Tinatamad ako mag kwento." Napa irap ako sa hangin dahil sa sinabi niya.

Huminto kami sa isang park.

Napapikit ako at unti unti naalala lahat.

Ito yung park kung saan nag picnic kami kasama si mama, si kuya, si Lucas, si Noah, at si Blake. Tandang-tandang ko kung paano kami nag asaran, nagharutan, pati yung kumanta si Lucas at si Blake.

"I know that you're stuck in your memories and can't let them go. And also I know that it's hard to forget and let go." Lucas said

"But you deserve to be happy Zamara." Hindi ko na naman maiwasang hindi maiyak sa sinabi ni Lucas.

Love Of Yesterday (COMPLETED)Where stories live. Discover now