16

150 13 1
                                    

ZAMARA'S POV

"Sabi ko naman sa'yo hintayin mo ako." Mahina nyang sabi sa akin.

Nakakaloka nakalimutan ko kaklase ko nga pala s'ya!

"Based on your expression, I think you forgot that I'm your classmate." Sabi n'ya habang naka palumbabang titig na titig sa akin na parang kinakabisado yung mukha ko.

Huminga ako ng malalim. Wala na ata akong kawala kay Blake. Saan man ako magpunta palagi s'ya nandon. Ni roll ko yung pad paper ko at hinampas ko sa noo n'ya.

"A-aray!" Napapikit s'ya nang hinampas ko s'ya habang hawak-hawak n'ya yung noo.

Pa-end na itong school year ba't parang ngayon ko lang s'ya nakita? I mean hindi ko talaga s'ya nakikita.

"Transferre ako kaya ngayon mo lang ako nakita as your classmate." Sabi n'ya habang nakapalumbaba ulit at nakatingin sa akin.

"Tinanong ko ba?" Bara kong tanong sa kan'ya.

"Hindi, pero sa itsura mo oo." Napa awang ang labi ko sa sinabi n'ya.

Akala ko kay Lucas at kuya sasakit ulo ko mukhang madadagdagan pa ng isa.

Tinignan ko nang masama si Blake nang kindatan ako bigla. Adik ba 'to? Hindi ko na lang siya pinansin sakto dumating na ang teacher namin.

"Recitation tayo ngayon." Biglang nag ingay ang mga kaklase ko.

"Lah?!"

"Recitation na naman!"

"Ano ba yan!"

"Oh bakit may reklamo kayo? Dagdag grade lang itong recitation ang daming bagsak sainyo sa subject ko!"

Inisa isa kong tinignan ang mga kaklase ko na sobrang na stress. Sabagay, sino bang hindi mas-stress kung biglaang recitation. Paglingon ko kay Blake, aba nakapikit. Bahagya kong kinurot sa tagilirin si Blake.

"Aray!" Natahimik silang lahat nang sumigaw bigla si Blake.

"What's wrong Mr. Alvero?" Tanong ni ma'am sa kan'ya. Umakto ako na parang wala akong ginawa sa kan'ya.

"W-wala po, sorry po ma'am." Tumayo si Blake at bahagyang nag bow kay ma'am. Kaninang nagrereklamo ang mga kaklase ko biglang tumahimik ngayon dahil sa naging reaction ni Blake. Palihim akong tumawa, tinignan ako ni Blake at nginitian ako.

Hindi napikon?!

Nagulat ako nang bigla n'yang hinawakan ang kamay ko at hinatak sa kan'ya.

"Kung gusto mo mahawakan abs ko papahawak ko naman. Hindi 'yong nangungurot ka pa." Sabi ni Blake habang naka nap sa table.

Ang hangin naman pala nitong nilalang na 'to. Mabilis kong binawi ang kamay ko sa kan'ya. Nilingon n'ya ako sabay kindat.

Kindat 'to nang kindat kapag 'yang mata n'ya dinukot ko. Ewan ko na lang sa kan'ya.

Maya-maya pa nagsimula na si ma'am magbato ng tanong. Lumingon ako kay Blake na naka cross arm habang naka pikit. Dumikit ako sa kan'ya at biglang tinaas ang kaliwa kong kamay. Naalarma si Blake sa ginawa ko at pipikit pikit ang mata.

"Yes Ms. Lee?"

"Qualitative research is detailed po."

"Correct!"

Lumingon ako kay Blake na bagong gising. Umayos s'ya ng upo habang naka cross arm pa rin at pumikit ulit. Nang magtanong ulit si ma'am nag taas ulit ako ng kamay at nagising ulit si blake nagulat ako sa ginawa n'ya kasi bigla rin s'ya nag taas ng kamay.

Love Of Yesterday (COMPLETED)Where stories live. Discover now