28

101 9 0
                                    

ZAMARA'S POV

Nasa labas ako ngayon ng hospital habang si Lucas ang nag aasikaso kay mama. Si Blake at Noah bumili ng pagkain.

Ipapa cremate ko si mama.

Alam ko si kuya mas gusto ang cremate. Kahit naman si papa at ate pina-cremate.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si tita.

Hindi nagsasalita si tita.

Mukhang alam na niya.

Mukhang nasabi na ni Lucas.

Pinipigilan kong 'wag umiyak.

"Si m-mama." Narinig ko sa kabilang linya na sobrang tahimik ni tita.

Napatakip ako ng bibig ko 'wag lang marinig ni tita na umiiyak ako.

Si tita 'yong naging pangalawang pamilya ni mama. Si tita ang kapatid ni papa. Halos tinuring na kapatid at kaibigan ni tita si mama. Halos hindi sila mapaghiwalay.

Si mama wala ng pamilya. Lumaki siyang mag isa lang. Sariling sikap.

Nanghihina kong binaba ang phone ko nang biglang binaba ni tita ang phone niya.

Huminga muna ako ng malalim bago ko pinunasan ang luha ko.

Nagulat ako nang may naglagay ng cap sa ulo ko at tinabihan ako.

Hinawakan ni Noah ang baba ko at inangat ang tingin ko.

Mas lalo akong naiyak nang pinunasan ni Noah ang luha ko at niyakap ako nang mahigpit.

Hinagod ni Blake ang likod ko.

Medyo gumaan ang pakiramdam ko kahit papaano.

Tumabi sa akin si Noah habang hawak-hawak ang kamay ko. Inabutan ako ni Blake tubig at ininom ko.

Ni isa sa amin walang nagsasalita. Pero sapat na sa akin na nasa tabi ko silang dalawa. Maya-maya pa dumating na si Lucas.

"Ayos na lahat. Kukunin ko na lang mamaya o bukas." Sabi niya sa akin.

Inabutan ako ni Lucas ng panyo at kinuha ko naman yon.

Inaya na kami ni Lucas na umuwi sumabay na lang kami sa kaniya kasi naka kotse si Lucas.

Si Lucas ang nag drive habang si Blake at nasa passenger seat habang kami ni Noah ay nasa likod. Lumingon ako kay Noah na mahimbing na natutulog. Buong byahe lang akong nakatingin sa bintana at pinagmamasdan ang paligid.

Gabi na pala.

Inabot kami ng gabi.

"Pina imbestiga ko na pala yung case ni tita." Sabi ni Lucas

Napatingin ako sa langit kasabay ng pagbagsak ng ulan.

Hanggang ngayon hindi pa rin pumapasok sa isip ko yung mga nangyayari. Huminga ako ng malalim at pinaglaruan ang kuko ko.

Maya-maya pa tumila na ang ulan at huminto ang kotse ni Lucas sa tapat ng bahay namin.

Hindi ako makagalaw. Ni hindi ko magawang lumabas ng kotse habang titig na titig sa tapat ng bahay namin. Kanina na puno ng dugo ngayon ang linis na para bang walang nangyaring hindi maganda.

"Zamara." Huminga muna ako ng malalim bago lumabas ng kotse.

"Sasamahan muna kit—" Hindi ko pinatapos ang sasabihin ni Blake.

"Gusto ko mapag-isa."

Deretderetso akong pumasok sa bahay nang hindi sila nililingon. Pagpasok nang pagpasok ko bumungad sa akin ang malamig na hangin.

Love Of Yesterday (COMPLETED)Where stories live. Discover now