11

178 15 0
                                    

ZAMARA'S POV

"Bakit gan'yan naman mukha niyo?  Gulat na gulat?" Tanong ni mama habang paupo sa sofa at nilapag lahat ng bitbit niya .

"Good morning po!" Ngiting sabi ni Blake at nag bow pa nga sa amin.

"Walang good sa morning kaya lumayas ka na." Iritang sabi ni kuya at tinutulak palabas si Blake. Nagulat ako nang sikuhin ako ni Lucas.

"Pag tanggol mo naman si Blake." Sabi ni Lucas habang nakanguso sa dalawa. Hindi ko siya pinansin at tumabi kay mama. Pakialam ko sa Blake na 'yan. Ginusto niya yan e, Bahala siya.  Huminga ako nang malalim nang sundan ako ni Lucas at tumabi pa sa'kin. Ano ba 'to aso? Sunod naman nang sunod.

Natawa kaming dalawa ni Lucas nang biglang hinampas ni mama ng dyaryo ang ulo ni kuya.

"A-aray ma!" Lumingon samin si kuya at pinanlakihan kami ng mata.

Siya pa galit s'ya na nga 'tong nang aaway siya pa galit. Samin pa nagalit.

"Hoy ikaw Vier! Umayos-ayos ka! Aba bakit mo naman pinapalayas si Blake?! Ako nga nang-aya sa kan'ya lumabas." Natahimik kaming lahat sa sinabi ni mama.

Simula nang namat*y si papa at kuya hindi na siya nang-aaya lumabas para mag bonding kami. Tinignan ko si Blake na titig na titig sa akin. Ano ba kasing meron sa lalaking 'to? Bakit parang sobrang halaga sa kan'ya ni mama?

"Kami anak mo tapos sa iba ka nang-aaya lumabas?! Unfair 'yon ma!"  Ang tanda-tanda na ni kuya nakuha pang mag tampo nito. Nakanguso pa s'ya kay mama. Bago tumabi si kuya sa gitna namin ni Lucas. Tinignan niya ng masama si Blake ito naman si Blake wala lang effect chill lang.

"Ano ba na gustuhan ni mama dyan? 'Di hamak na mas gwapo ako." Bulong ni kuya sa amin tumikhim bigla si Lucas.

"Hindi naman naliligo." Natawa ako sa sinabi ni Lucas.

Kahit kailan talaga.

"Itatapon na talaga kita sa Japan." Walang ganang sabi ni kuya at tumahimik naman si Lucas na parang natakot kay kuya.

Sinong hindi matatakot kay kuya? Daig pa yung bal*w kung tumingin.

Tumingin lang kaming tatlo kay mama nang papasukin niya si Blake at paupuin sa tapat namin.

Ni isa samin apat walang kumikibo kasi si mama iniwan kami rito sa sala dahil magtitimpla raw siya ng juice. Tinignan ko sila isa isa. Una kong tinignan si Lucas na sumisipol sunod kong tinignan si kuya na nakatingin ng seryoso kay Blake habang ito naman si Blake sa akin nakatingin.

Palagi ako tinitignan ni Blake. Hindi ba siya mauumay sa pag mumukha ko? Ako na ilang segundo pa lang nakatingin sa salamin parang gusto ko na basagin yung salamin.

"Kung kay mama gusto ka pwes sa'kin hindi." Nag papaka ama na talaga itong kuya ko.

"Wala akong masamang intensyon kay Zamara." Sagot ni Blake.

"Hindi ko tinanong." Natawa kami nang mahina ni Lucas sa pambabara ni kuya.

Sa kan'ya ko talaga namana 'yan.  Maya-maya pa dumating na si mama at nilapag sa table ang bitbit niyang juice.

"Zavier, have you forgotten about Blake?" Napahinto ako sa pag inom ng juice sa tanong ni mama kay kuya.

Sabay naman kami pinanganak ni kuya bakit wala ako kaalam-alam sa nangyayari? Ano 'to? Matagal na sila mag kakilala? Kamag anak? Ang weird naman non. Tapos pakilala ni Blake sa pamilya ko boyfriend ko siya.

"S-sya 'yon?" Kunot noo kong nilapag ang juice sa lamesa at tinignan si mama at kuya.

Gulat na gulat yong reaction ni kuya. Ako na nagtataka sa nangyayari. Walang alam. Kapamilya ba ako rito o hindi?

"Ano meron–" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang biglang lumapit si kuya kay Blake at hinampas sa balikat.

"Uy! Long time no see! Grabi ang pogi na natin ha?!" Kaplastikan ni kuya kahit kailan.

Kanina halos patay*n sa isip ngayon kulang na lang idikit na yung mukha sa mukha ni Blake. Nag fist bump silang dalawa at tinapik pa ni kuya ang balikat ni Blake.

Nagkatinginan kami ni Lucas na wala ring alam. Kibit balikat ako sa itsura ni Lucas na parang nagtatanong kung ano meron.

"Pero ayoko pa rin para sayo si Zamara. Akala mo makakatakas ka sa akin? Syempre hindi." Nginitian ni kuya si Blake pagtapos niya sabihin.

Nagtawanan na lang kaming lahat sa asta ni kuya.

–——

Simula nong nakilala ni kuya kung sino ba talaga si Blake. Halos hindi na sila mapaghiwalay. Kanina pa nga sila naglalaro ng ml. Ni hindi rin kami pinapansin. Naagaw atensyon ko ni Lucas nang bigla niyang binagsak ang katawan niya sa sofa.

"Ano ba meron dyan kay Blake? Mas gwapo naman ako dyan." Wait? Parang sinabi rin to ni kuya kanina.

"Nagseselos ka ba?" Asar ko kay Lucas. 

Napaatras ako nang tignan niya ako bigla ng seryoso kakaiba talaga ugali nito nakakatakot.

"Oo." Oo? Napatakip ako sa bibig ko.

Zamara tumigil ka. Baka mali 'yan iniisip mo.

"Hindi kayo talo ni kuya, Lucas." Natatawa kong sabi sa kan'ya.

"So?" Hinampas ko sa braso si Lucas dahil sa sagot niya.

"Just kidding." Tumawa siya sa naging reaction ko. Naningkit mata ko kay Lucas. Hindi na talaga ako maniniwala sa kan'ya.

Napatingin kaming dalawa ni Lucas na parang seryosong nag uusap si Blake at kuya. Nakita ko pang tumango si kuya kay Blake at tinapik ang balikat. Tumayo si kuya at hinatak si Lucas paakyat.

"T-teka! Hoy bitawan mo ako! Mandiri ka naman a-aray! Tita! Si Zavier po nananakit!!" Pumikit ako sa sigaw at daing ni Lucas. Minsan iniisip ko kung babae ba si Lucas o binabae.

Nagulat ako nang paglingon ko nasa tapat ko na si Blake habang nakatayo. Hinawakan niya ako bigla sa kamay at lumabas ng bahay.

Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko kay Blake, hindi ako pinakinggan ni Blake at umupo siya sa sa upuan.

Yung tapat ng bahay kasi namin may upuan talaga ron para may pagtatambayan kami. Tinatapik ni Blake ang gilid niya na parang sinesenyasan akong tumabi sa kanya.

Umirap ako sa hangin bago tumabi sa kan'ya. Sinandal nya ang kamay nya sa likod ng upuan at tumingin sa langit. Isa rin itong nilalang na 'to ang random.

Kinuha ko na ang pagkakataon para masabihan si Blake.

"Tumigil ka na." Seryoso kong sabi sa kan'ya dahilan para tumingin siya sa'kin na walang reaction ang mukha niya.

"Just like what I said yesterday, be my girlfriend. That's all. All you have to do is take care of yourself and love me till the end." Natahimik ako sa sinabi ni Blake.

Love Of Yesterday (COMPLETED)Where stories live. Discover now