17

131 11 0
                                    

ZAMARA'S POV

Tumahimik bigla silang dalawa nang makita nila akong pumasok.

"Bakit kayo huminto?" Tanong ko habang inaalis ang sapatos ko.

"Kahapon pa kayo nagtatalo. Ano ba meron?" Masyado na akong curious sa kanila.

Hindi naka pagsalita si Lucas nang may biglang kumatok. At sino naman matinong pupunta sa akin nang gantong oras? Sinenyasan ako ni kuya na buksan ang pinto.

"What the hxll?!" Sigaw ni lucas sa nakita niya.

Laking gulat ko na nasa harapan ko si Styzy.

"Hi love!" Kaway n'ya kay Lucas at hindi nag dalawang isip pumasok sa bahay namin nang walang paalam man lang.

Huminga ako nang malalim para kahit papaano hindi ako maiinis kay Styzy. Tinulak ba naman ako pagpasok n'ya.

Nakatingin lang kami ni kuya kay Styzy na niyayakap si Lucas habang si Lucas naman tinutulak si Styzy.

"The fvck!" Iritang sabi ni Lucas.

"I miss you so much talaga!" Naapawang ang labi ko dahil sa ginagawa ni Styzy. Pinipilit niyang halikan sa pisnge si Lucas.

Lumapit kami ni kuya kila Lucas. Hinawakan ni kuya si Lucas habang ako kay Styzy. Pinaghiwalay namin ang dalawa.

"What the hell are you doing here?!" Halos maging dragon na si Lucas sa galit.

"Why? Is there any wrong? If your girlfriend wants to visit you—?"

Hindi pinatapos ni Lucas si Styzy.

"You're not my fvcking girlfriend!" Natigilan si Styzy na parang naiiyak sa sinabi ni Lucas.

Gulong-gulo ako sa nangyayari.

"But–"

"No but Styzy! Please leave this fuvking house now!"

Nagmamadaling pumunta sa akin si Lucas at kuya dahil bigla akong tinulak nang malakas ni Styzy dahilan na na out of balance ako.

Galit na galit si Lucas na hinawakan ang braso ni Styzy at kinaladkad si Styzy palabas ng bahay.

"Let me go! You're hurting me!" Rinig kong sigaw ni Styzy.

"Ayos ka lang?" Nang makatayo ako habang inaalalayan ako ni kuya.  Tumango lang ako sa kan'ya.

"Sino 'yon?" Seryosong sabi ni kuya.

"Kaklase ko." Sagot ko sa kan'ya.

"Ano meron sa dalawa?" Tanong n'ya ulit.

Ano 'to interview?

"Ang alam ko wala. Sadyang mahar*t lang si Styzy. Gagawin n'ya lahat makuha lang gusto n'ya." Mas lalong naging seryoso si kuya.

Naging tahimik ang bawat sulok ng bahay namin. Ni isa sa amin walang nagsasalita.

Maya-maya pa dumating na si Lucas na irita ang mukha. Dumeretso agad s'ya sa ref at kumuha ng plastic bottle at uminom. Pumunta s'ya sa amin at tumabi kay kuya.

"That girl is so fvcking insane." Halos mayupi na ni Lucas ang boteng hawak n'ya.

"Ngayon ko lang nakita si Styzy na parang obsessed nang sobra. Lahat talaga hinaharot n'ya. Pero kapag hindi s'ya gusto tinitigil na n'ya. Kaya hindi ko maitindihan kung bakit gan'on s'ya sayo Lucas. Nakakapagtaka pa alam n'ya kung na saan ka." Huminga nang malalim si kuya.

Love Of Yesterday (COMPLETED)Where stories live. Discover now